Stand by myself

1 2 0
                                    

Mag isa na naman ako sa bahay. Wala silang lahat. Si mama umalis may pinuntahan. Si papa ganoon din. Mga kapatid ko nasa galaan.

Lagi na lang ganito. Aalis silang lahat at ako ang maiiwang tao sa bahay. Ayos lang naman sa akin, ang kaso may mga gawain silang iniiwan sa akin.

"Okay lang 'yan, Kyla" pagpapagaan ko sa loob ko.

I don't have any choice kundi ang gawin ang lahat ng kailangan gawin sa loob ng bahay.

Naglinis.

Naghugas.

Naglaba.

Nagluto.

Anong oras na ng matapos ako sa lahat ng gawain. Pagod na pagod na ako. Wala pa akong kain kain dahil tinapos ko muna ang lahat para tuloy tuloy.

"Finally! I'm done"

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

Nakakastress mag aral. Buti na lang at maaga ang uwian namin ngayong araw.

*kruuu*

Kanina pa nagrereklamo ang tiyan ko. Wala pa kasi akong kain. Tipid akong tao kaya hindi ako masyadong magastos. Iniipon ko ang baon ko para kapag nangailangan ako may makukuha akong pera.

Akala ko kapag nakauwi na ako at nasa bahay, mawawala ang stress ko. Pero, hindi pala. Bagsak ang dalawang balikat ko habang pumapasok sa look ng bahay.

Hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko. Naghalo halo na ata lahat.

Nandoon yung gutom, stress, pagod, sakit, at bigat ng damdamin.

Ang kalat ng bahay. Samantalang kalilinis ko lamang kahapon. Nakakapagod na. Hindi na ko natutuwa.

"Bakit ang kalat na naman ng bahay? Kalilinis ko lang kahapon, ah" galit kong turan sa kanila. Pero tila wala silang narinig.

Wala akong nagawa kundi ang magbuntong hininga na lang at linisin ulit ang bahay namin.

Wala akong pahinga. Pagkatapos kong maglinis ng bahay ay gumawa ako ng project at mga assignment namin.

It's already 12:00 in the evening but still I'm awake. I can't sleep. I go outside. Kahit madalim na hindi ko ito alintana. Naglakad lakad lang ako hanggang sa napadpad ako sa isang parke. Tahimik. Napakatahimik. Naupo ako sa damuhan. Ipinikit ang mga mata at dinama ang malamig na hangin.

I feel free. Ang gaan sa loob ng lugar isama pa ang payapang gabi.

I just close my eyes and pray silently.

God, help me. I'm starting to give up in my life. I'm tired. Sa araw araw na lang. Walang pagbabago. I can't take this anymore. I want to quit and walk away. I feel so empty and lonely. I feel alone in this world. May pamilya niya ako pero pakiramdam ko, mag isa pa rin ako. Now i know the feeling of being alone. It's killing me. Sad but true. I love my family but, I also need to love myself. God, please give strength to carry on all of this.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Hindi na pala ako nakauwi kagabi. Sa parke na ako nakatulog. Nakatulugan ko ang pag iyak magdamag.

Agad na akong umalis at umuwi sa bahay baka nag aalala na sila sa akin. Pero para akong sinampal ng malakas ng katotohanan at sinasabing they don't care, you forgot? Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

Ang saya saya nila habang nagsasalo salo. Hindi nila alintana kung wala man ako sa hapag basta masaya silang magkakasama.

"I think... I'm not needed her" dahan dahan akong naglakad palayo sa bahay. Nandiyan na naman iyon luha ko. Hindi pa nga nawawala ang maga dahil sa pag iyak ko kagabi. Heto na naman ako umiiyak na parang bata.

My short storiesWhere stories live. Discover now