Enjoy Reading :)))
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 2
"Nate gising na umaga na"
"ma, wala naman akong trabaho eh!"
"kahit na, ako meron"
"bakit ba ma?"
"oh kumain ka na, ikaw na lang magluto ng tanghalian mo ah, eto na din baon mo"
"opo ma ingat po!"
*RING RING*
"cellphone ko nasan?"
*RING RING*
"oh sa kwarto ko pala"
*RING RING*
"eto na, eto namang si Cam, aga-aga tumawag"
*RING RING*
"Hello!?"
(oh Nate, ang aga aga galit ka?)
"huh? *tingin sa cellphone* ay ma'am sorry po, akala ko po kasi bestfriend ko"
(ah ganon ba? *laugh*)
"bakit po pala kayo napatawag?"
(eh kasi Nate, binabawi ko na ang pagfire sayo)
"a-ano p-po!!"
(oo Nate, pwede ko na ulit magtrabaho pero)
"kahit ano po yan, ayos lang kailangan ko po talaga magkatrabaho"
(ililipat kita sa ibang branch)
"ayos lang po ma'am, pangako po hindi ko na uulitin ung ginawa ko kahapon"
(buti naman Nate, nakausap ko na ung bagong manager na maghahandle sayo)
"opo, opo salamat po talaga ma'am"
(cge Nate, wag mo na ulitin yon ah, un pa din ang schedule mo dun, bukas pwede ka na magsimula)
"salamat po ma'am"
*toot toot toot*
Masayang masaya si Nate, ang hindi niya alam ung lalaking dahilang ng pagkakatanggal sa kanya, ay bumalik sa resto mula sa pagsunod sa kanya para pakiusapan ang manager na ibalik siya.
"waaa!! kailangan kong sabihin to kay mama"
To:mama
ma! may trabaho na ulit ako bukas! ang bait talaga ng Diyos!
sa sobrang saya nagsisisigaw lang siya sa bahay nila. wala naman ibang tao kaya't panatag siyang walang makakarinig. tinawagan din niya ang bestfriend niyang si Cam.
(hello Nate? bakit?)
"waa! may trabaho na ko ulit!"
(oh? waaa! we should celebrate!)
"oo nga dali punta ka dito sabay na tayong pumasok"
(cge hintayin mo ko diyan)
Masayang masayang nananghalian ang magbestfriend, at sabay na din silang pumasok.
**sa school
"oh class bukas, may bago kayong kaklase"
"okay po ma'am"
"oh treat him well okay, class dismissed"
"bye ma'am"
"uy Nate sino kaya ung bago nating kaklase?" tanong ni Cam habang palabas ng room.
"aba, malay ko makikilala naman natin bukas eh"
"eh, excited na ko eh, lalaki daw eh"
"ay, nako Cam isusumbong kita kay Chris!"
"eh Nate naman eh, alam mo namang seloso un eh"
"eh lumalandi ka na naman kasi hahaha"
Si Cam or Camille Anne Castillo ang bestfriend ni Nate. sanay na si Cam na sinasabihan ng malandi. hindi naman talaga siya malandi, friendly lang siya sa lalake dahil na din siguro sa pagiging nagiisang babae sa limang magkakapatid. kaya protektado siya ng apat niyang kuya at boyfriend na si Christopher Rey Santos.
"hindi ako malandi, friendly lang"
"oh ano na naman pinaaawayan niyo?"
"ayan kausapin mo girlfriend mo"
"oh Cam noh problema?"
"kasi may bago kaming kaklase! lalaki daw"
"ay nako ikaw talaga"
"aray, wala naman kurutan sa pisngi"
Kahit college student na sila, magkakasama sa bawat subject ang magkakapareho ng course.
Maliit na college school lang kasi ang pinapasukan nila.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Thanks for Reading :)))
~msh<3