Chapter 1
***"Dalawang Buwan nalang ang palugit namin sa inyo at Kung Hindi Kayo makapag bayad sa tamang araw kukunin na namin ang lupa nyo." Mapang insultong Sabi ni aling Tess.
"Mommy maliit lang naman ang lupa nila diba? Bat kaylangan pa nating kunin? Bat Hindi nalang natin ibigay sa.. mga poor" Ani ni thalia at tumawa pa kasabay si aling Tess.
Nag pipigil ako na hatakin ang mga buhok nila dahil kung Hindi baka mawala na samin ang maliit na lupain na pinag kakakitaan namin.
Wag mong sugudin Diana. Pag nakaipon ka ng pera isampal mo sa pag mumukha nila.
Umirap muna ako bago sinagot sila.
"Makakaasa po kayo aling Tess na makakabayad kami sa tamang araw" Sabi ko at palihim na umirap.
"Aba! Dapat lang!.." aniya at eksaheradang pinaypayan ang sarili "Tara na thalia darling. Super init dito Wala man lang silang aircon" maarte nyang Sabi at sinuot na ang napakalaking summer hat nya at shades.
Duhh! Nasa Baguio kami bat kaylangan pa naming mag aircon? Super lamig na Kaya dito.
Inirapan muna ako ni thalia bago sumunod sa ina nya.
Napahinga nalang ako ng malalim at umupo sa tabi ni nanay.
"Anak tutuloy ka parin ba sa pag luwas sa maynila? Wag nalang kaya. Hayaan mo nalang din akong mag trabaho para naman mabayadan natin ang utang natin dun sa OA na mag Ina na Yun." Aniya at parehas kaming natawa.
"Nay tuloy po ang pag luwas ko.." hinawakan ko ang dalawang kamay ni nanay. "..at Hindi po Kayo mag tatrabaho. Kaya nga po Kayo nag kasakit diba? Kakatrabaho nyo dahil malaki pa ang tyan ko? at nang nakapanganak naman ako nag tatrabaho parin Kayo dahil Hindi ko maiwan ang anak ko." Sabi ko at nag tutubig na ang gilid ng mga Mata ko.
"Anak pano Kung saktan ka ulit nila?" Nag aalala nyang Sabi.
"Nay Hindi nila ako sasaktan. Nakuha na nya ang gusto nya diba? Engage na sila nay" at mapait akong ngumiti
Parang may karayom na tumusok sa puso ko ng maalala ang nakaraan.
5 taon na ang lumipas. Nandito na kami ngayon sa Baguio naninirahan. May maliit kami na taniman ng strawberry pero pag Hindi kami nakabayad sa loob ng dalawang Buwan makukuha na samin Yun. Nag kasakit si nanay sa buto dahil sa sobrang pag tatrabaho at ng mga Oras na Yun nag ka dengue ang anak ko at nag ka problema sa plantation kaya nabaon kami sa utang.
At ngayon kaylangan ko ng lumuwas ng maynila para mag trabaho dahil Hindi na maayos ang takbo ng negosyo namin at sapat lang kikitain para sa pang araw araw na kailangan.
"Mama mama may nakita kami ni Tito Lance ng kambal na strawberry oh" tuwang tuwa na Sabi ng apat na taong gulang Kong anak at pinakita ang kambal na strawberry na nakita daw nila.
"Ang galing naman ng bunso ko. Kiss mo nga si mama" naglalambing Kong sabi at nilapit ang mukha ko sakanya at hinalikan ako sa pisngi.
"I love you mama. I love you lola" malambing nyang Sabi at umupo sa kandungan ng Lola nya at nilambing ito.
Napangiti ako. Aaminin ko nahihirapan ako dahil sa malaki naming utang pero lahat Yun kinakaya ko dahil Kay mama at dahil sa anak ko na si Chance Kier.
"Mama mag ingat ka d-dun ah" mahinang Sabi ng anak ko habang nag pipigil ng luha.
Kinuha ko na ang isang malaking bag ko na nag lalaman ng mga damit ko at nilagay na to sa loob ng taxi na mag hahatid sakin sa terminal ng bus.
Lumuhod ako sa harap ng anak ko at tumango. "Mag iingat dun si mama Kaya dapat mag ingat ka din dito, Kayo ng Lola mo." Sabi ko at pinipigilan ding wag lumuha.
Yumuko sya at tumango. "wag Kang mag tatagal dun ahh. Mamimiss ka ng bunso mo" umiiyak na nyang Sabi.
"Babalik agad si mama Kasi mamimiss nya ang pogi nyang bunso" umiiyak na din ako at niyakap sya ng mahigpit at hinalikan ang buhok nya.
Nag angat ako ng tingin Kay nanay para humingi ng tulong dahil mahihirapan akong umalis nito.
Ito ang unang pagkakataon na maghihiwalay kami ng anak ko. Masakit man pero kaylangan para sa lupa at para rin sa pag aaral nya.
Kinarga na ni nanay si Chance na umiiyak parin. Huminga ako ng malalim at pinunasan na mga luha ko.
Niyakap ko silang dalawa at hinalikan ulit ang anak sa nuo at tinanguan si nanay bago sumakay na sa loob ng taxi
Bumaba na ako sa taxi nang nasa terminal na kami ng bus. Kinuha ko ang pitaka ko at kumuha ng ibabayad.
"Mang tanyo pa bantayan po sila nanay at ang anak ko po ha" Sabi ko at inabot na ang bayad.
"Ayy nako Kang Bata ka wag ka nang mag bayad kakailanganin mo Yan para sa pag luwas mo sa maynila at babantayan ko ng maiigi ang nanay at anak mo.." at nilagay nya ang pera sa may palad ko. "Sige na at pumasok ka na sa bus at baka maiwan ka pa"
Nginitian ko si mang tanyo na ginantihan nya.
Pumasok na ako sa loob ng bus at naupo sa may bandang gitna sa tabi ng bintana.
Maya Maya may matanda na umupo na sa tabi ko. Nahihirapan sya sa dami ng dala nya Kaya naman tinulungan ko.
Nang maayos na syang nakaupo nginitian nya ako na ginantihan ko at Wala sa sariling napatingin sa lumang dyaryo na hawak nya.
Mapait nalang akong napangiti.
A Super Star Heather Stone is now engage to the Hot Bachelor CEO, Cash Kiel Severo.
Psycheooo
BINABASA MO ANG
CEO'S BITCH [COMPLETE]
General FictionWARNING: R18+ | SPG Obsession Series #2: CEO's Bitch "I hate you for leaving me, I hate you for aborting our child.. you're my everything before but now, your just my bitch. Now stripped and dance in front of me" *** After his fiancee left him for a...