TDD 6

7 0 0
                                    

TASYA da Kupiterang Dyosa ♡

Nalungkot ako ng sumapit na ang biyernes dahil hindi ko na makikita ang miloves ko. Pero agad din naman ito napawi ng maalala ko ang ginawa ko noong makasalubong ko siya kanina hikhok. Siguradong hindi mo na ako makakalimutan nyan!

Natulog akong may ngiti sa labi. Sa sobrang sarap ng tulog ko ay di ko na namalayan na tanghali na pala.

"TASYAAA! HINDI KA NA BA BABANGON DYAN? ALAS-ONSE NA! YUNG MUTA MONG MATIGAS, NALUSAW NA DAHIL SA SIKAT NG ARAW!" Ano nanaman bang problema ng baklang to at nagsisi-sigaw nanaman.

"Sabado naman ngayon e. Hayaan mo muna akong matulog" sagot ko habang naka-subsob pa din ang mukha sa unan.

"E akala ko ba sabi mo gisingin kita ng maaga dahil may pasok ka sa karendirya? Limang oras ka na naming ginigising, tulog mantika ka pa din!" si Toni.

Napabalikwas naman ako ng marinig ko ang sinabi nya. Oo nga pala, naku late na ako. Lagot nanaman ako kay Aling Puring neto. Agad ko namang inayos ang sarili ko, naghilamos ako at nagtooth brush---joke lang. Hindi na ako nagtooth brush, wala na kasi akong mapiga galing sa de sachet kong toothpaste. Humarap ako sa salamin at laking inis ko nanaman ng makitang nandoon pa din ang tigyawat na iyon sa ilong ko. Ano ba yan, palaki ng palaki!

Naabutan ko naman sa maliit naming lamesa si Beka na kumakain ng kanin at ang ulam ay kape.

"Uy Tasya, ulam ah!" bilin nya sa akin.

"Oo akong bahala, sige mauna na ako" at saka sumaludo sa kanya. Nagtatakbo naman ako palabas patungo ng labasan kung saan matatagpuan ang karendirya ni Aling Puring. Hindi ko na napansin na may bato pala sa daan na dahilan para mapatid ako at madapa sa kalsada. Narinig ko namang may tumawa sa tabi ko, ano ba yan akala ko walang nakakita.

"Ang pangit pangit mo na nga Tasya lalampa lampa ka pa! Humalik ka tuloy sa kalsada, di bale sanay ka naman kumain ng alikabok. 'Coz you is poor, mabuti sana kung ako na lang ang nahalikan mo pero di ko hahayaan mangyari yon, 'coz you is dirty HA HA HA" Kita ko tuloy ang nangingitim nyang gilagid at mga bulok na ngipin dahil sa pagtawa nya-- Siya si Shuberto. Ang kapitbahay kong feeling gwapo at rich kid na snatcher naman sa Quiapo.

"Di bale ng humalik sa sahig kesa humalik sa bibig mong mabaho pa sa pwet mo!" tumayo ako at nagpagpag ng sarili. Imbis na tumakbo ay naglakad na lang ako para di na ako madapa ulit. Punyemas na Shuberto yon akala nya kagwapuhan e, mukha naman dugong.

Nang makarating ako sa tindahan ni Aling Puring ay naabutan ko siyang nagse-serve ng ulam sa mga customer, sakto ay nakatalikod sya di na nya ako mapapansin.

Bago pa man ako makapunta sa kusina kung saan ako ay naka-toka sa paghuhugas ng plato ay bigla naman humarang si Aling Puring --da most kuripot na amo-- sa pinto at nagsimulang talakan ako.

"Aba, aba Tasya. Tanghali na, bakit ngayon ka lang pumasok ha? Alam mo naman na sabado ngayon, dagsaan ang customer. Kawawa doon sa kusina si Aye, siya lang mag-isa ang naghuhugas ng malalaking kaserola at kaldero doon." Edi tinulungan nyo sana Aling Puring kawawa pala e, chos!

"Oh easy lang kayo Aling Puring at baka kayo ay high blood-in, pasensya na po kayo tinanghali po kasi ako ng gising e."

"Siguro ay nagpuyat ka nanaman dahil sa kakaisip mo sa lalaking suplado na iyon" Luh, paano naman kaya iyon nalaman ni Aling Puring? Mind reader na ba siya ngayon? "Alam kong iniisip mo kung paano ko nalaman, binabasa ko kaya ang kwento mo sa wattpad!" Wow, hanep! Good yan Aling Puring.

"Naku, mabuti ka pa Aling Puring updated sa kwento ko, oh e ano na po nangyari pagkatapos?" tanong ko.

"Aba't ngayon mo pa naisip na pagkwentuhan yan ah. Hala, pumasok ka na sa kusina." kinurot pa ako sa pwet ni Aling Puring at saka tinulak papasok ng nakakasulasok niyang kusina. Napakadilim at puno ng usok, minsan talaga gusto ko ng maniwala sa sinasabi ng mga kapit bahay ko na mangkukulam daw si Aling Puring.

Naabutan ko naman sa kusina si Aye na busy sa pagkuskos ng kaldero. Pati siya ay nangitim na din dahil sa mga dumidikit na uling mula sa pwet ng kaldero sa kanyang pawising katawan.

"Oh bat ngayon ka lang dumating, tih? Lapotchi na ang lola mo dito." Si Aye, na isa nanamang beki. Bakit parang karamihan puro beki na ang character dito sa istoryang ito. Minsan tuloy napapaisip na ako kung babae ba talaga ako dito o beki din. Ano na nga ba tawag don, mistaken identity ba? Yung nalilito ka sa kasarian mo. Di bale na nga.

"Sorry na tih. Tinanghali na kasi ako ng gising e. Nag beauty rest lang hehe" Beauty rest, di nyo kaya.

"Akalain mong nagbu-byuti rest din pala ang panget ano!" si Aye.

"Ako Ariel Leoncio tigil-tigilan mo dahil baka umuwi kang maging taong uling!" itinikom naman ng bakla ang bibig nya.

Agad akong lumapit sa kanya at tinulungan siyang magkuskos doon. Malusog si Aye, dahil gaya ko ay kumukupit din yan ng ulam kay Aling Puring kaya lalong nananaba pati tuloy ako nagkakaroon na din ng bilbil.

Hay, ano ba yan nakakapagod ang magkuskos ng malalaking kaserola at kaldero, kaya tuloy ang kapal na ng kalyo sa kamay ko at ang gaspang na. Hays my precious hands!

"Akala ko ba dyosa ka? Bat ka nagkukuskos ng kaldero dyan?" ang punyaterang konsensya ayan at sumulpot nanaman.

"Wala kang pakialam. Ganto kaming mga dyosa, ito ang tinatawag naming beauty work out" pag-tatanggol ko sa sarili ko.

"Anong pinagsasabi mo dyan tih? May nakikita ka ba hindi ko nakikita?" takot na takot namang napatingin sa akin si Aye.

"Ah hehehe wala, kausap ko sarili ko" pagtatanggi ko. Bwenas na Koncha, bigla bigla na lang kasi akong kinakausap, baka isipin tuloy ng mga tao sa paligid ko ay baliw ako. Baliw na dyosa!

"Ang laki na nyan tih ah." turo ko sa tiyan ni Aye na naka-umbok na dahil siguro sa nakupit nyang ulam. "Mukhang nakarami ka na ah!" pang aasar ko sa kanya.

"Hoy ano ka ba Tasya, wag ka ngang maingay. Baka marinig tayo ni Aling Puring, tumayo ka dyan kunin mo yung binalot kong menudo doon sa silong ng lababo." tumayo naman ako at nakita nga ang maliit na supot doon. Ganto kami ni Aye, hindi lingid sa kaalaman namin kung gaano ka kuripot ang aming amo. Kahit pa may tirang ulam ay ayaw niya iyong ipamigay sa amin, ipapa-init nya daw at saka ibebenta ulit. Hindi nya din kami sinusweldohan ng maayos kaya para makaganti, heto at kinukupitan namin sya ng ulam. Pero ulam lang, pramis ulam lang.

"Weh?" si Koncha.

Wag nyong pansinin yang Koncha, konsenya na iyan. Isinuot ko na ang maliit na beltbag ko na pinaglalagyan ng ulam at pinatungan iyon ng apron para di masyadong halata.

Alas siete na ng gabi pero di pa rin ako pinapayagan mag out ni Aling Puring samantalang si Aye ay kanina pang alas singko pinauwi, late daw kasi akong pumasok. Hindi bale, marami naman akong iuuwing ulam HAHAHAHA. Nagmakaawa ako kay Aling Puring na pauwiin na ako dahil nagpalusot akong sumasakit na ang tiyan ko. Pumayag naman siya at pinagsabihan na wag ko na daw uulitin ang ginawa ko kanina.

Pag uwi ko ng bahay naabutan ko naman silang parang mga batang yagit na naghihintay sa kanilang nanay na may uwing ulam.

"Buti naman at dumating ka na. Tomguts na ang mga bakla" si Beka.

"Oo nga naman bakla. Sa wakas ay malalamanan na ang kalam naming sikmura" si Toni. Todo ngiti naman silang dalawa.

"Wala akong dalang ulam, nahuli ako ni Aling Puring" at nawala naman ang ngiti sa kanilang mga labi. "Jokeee, ako pa ba papahuli?" nagningning naman ang mata ng mga bakla. Hays kung mayaman lang ako friends, aampunin ko na kayo e. Kaso pare-parehas tayong hampas lupa.







----------'xx
Hi sweeties! Stay hydrated. Love you! ♡

Tasya da Dyosa (Dyosa Ng Mga Impakta)Where stories live. Discover now