Chapter 31: Friends

25 6 0
                                    


Tiffany's POV

Hi! Hihihi Tiffany here!

So first of all! , namukaan ko na si Tophe nung nakaraan..kasama nya kasi minsan sina Alexi kaya parang merong parte sa loob ko na mabait syang tao ^_____^

Pero bago pa kami makarating sa pinaroroonan namin napansin kong naiilang sya.

Bakit kaya? Dahil sa hawak ko ang kamay nya? Heheha ang cute nya kung ganon.

Nung makarating kami sa Pinky's ay agad kaming um-order..

Hindi padin nagbabago ang store bukod sa lahat ng makikita mo Pink.Kahit yung sahig at yung mga damit nung personnels nila..

And this is my favorite Restaurant ever because I love pink💖💖💖

"So Tophe..Kelan kayo nag-away ni Besty?"tanong ko at napadikwatro sa harap nya..sign na interesado ako makinig.."A-ahh..medyo matagal tagal na..sa tingin eh nag-iisang buwan na mahigit."sabi nya na tila ba nag-iisip.

"Aww...mataas talaga yung pride ng mokong na yun eh!"naiinis na sabi ko at natawa naman sha..

Bigla nalang kumislap yung mata ko nang may naisip ako na paraan para magbati sila.

"What if ako ang maging tulay mo para..magkabati kayo?"tanong ko at agad naman syang natigilan..

"Ay! Hehehe nako wag na nakakahiya..."sabi nya at natigilan pa muna akong magsalita nung dumating yung order naming mga cake at iced coffee..

"Sige na..tutal malaki ang utang na loob mo saakin!"sabi ko at natigilan nanaman sya

"A-anong utang na loob?"hindi makapaniwalang tanong nya at natawa nanaman ako ng bahagya..

'Ang Cute cute ng nilalang na'to! Ma kwento ko nga kay Hon mamaya..'

At bakit nga pala Hon padin yung tawag ko sakanya?

Ewan.Diko din kasi tanggap na wala na kami...hanggang ngayon sya padin ang sinisigaw ng puso ko at hindi tinatanggap ng bibig ko ang simpleng pagtawag lang sakanya ng pangalan nya..

Naalala ko tuloy yung mga panahon na kami pa at naguusap kami tungkol dyan sa kung ano kami ngayon..

FLASHBACK..

"Hon..ano kaya ang lagay natin pag hindi na tayo?"tanong ko sakanya habang hawak hawak ko ang kamay nya..

"Wag mo ngang sabihin yan Hon.."nakangusong sabi nya at ngumiti naman ako.."It's okay hon..I know merong possibility na mangyari yun..at gusto ko , pag wala na tayo..ayokong mailang ka saakin."dere-deretsong sagot ko at ngumiti naman sya..

"Sige..hindi ako maiilang sayo promise yan.."

"Talagaaa?"

"Oo haha pa-kiss nga dyan ang cute mo!"nanggigigil na saad nya at idinikit ko naman yung labi ko sakanya..

Yieee...kinikilig ako huhuhu ano ba!?

"Ikaw? Ano naman yung sayo?"tanong ko sakanya.."Gusto ko..pag wala na tayo..gusto kong wag kang masaktan pag may mahal na akong iba..kasi ang gusto ko , ay ang wag kang masaktan dahil hindi ko na yata kaya makita kang umiiyak.."sabi nya at nakatingin lamang sa kawalan..

"Will you promise me that Honey?"nakangiti nyang sabi..

"Promise."at agad nya namang tinaas yung pinky finger nya at nag-pinky swear kami..

"And one more thing!"pahabol nya pa..

"Dapat pag naghanap ka ng lalake kaylangan mas mahihigitan nya pa ang kaya kong gawin..because you deserve more than I can do for you.."sabi nya at hinalikan nya ako sa noo..

The Gay's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon