Chapter 44: Disgrasya

68 5 0
                                    


Tony's POV

Siguro tama na yung ginawa ko.

Ang palayain sya.

Tutal masaya naman daw sya kasama ni Enzo..at dahil mahal na mahal ko sya..gusto ko syang maging masaya..

Pakiramdam ko pagkatapos ng usapan namin na yun napaka-gaan ng loob ko..nauuna akong nakasakay sa kabayo ko at hindi ko manlang gawing lingunin sya sa kinaroroonan nya..

Pero aaminin ko , nasasaktan talaga ako..sobra-sobra , pero all I have to do is to understand..

Pagdating namin sa resthouse agad na nangibabaw ang atungal ni Enzo..biruin mo malayo pa kami pero naririnig na namin ang mga sigaw at reklamo nya..puno din ng paninisi..

"Mga gago kasi kayo!! Saan ko ngayon hahanapin si Tophe nyan?!"sigaw nya nang magtama ang mga mata namin..

Pinakita ko naman sakanya ang malalamig kong tingin at agad nyang akong sinugod at sinapak..

Hinawakan nya ako sa magkabilaang braso ko.

"Gago ka! Saan kayo nanggaling ni Tophe?! At bakit namumugto ang kanyang mga mata?! Gago ka sinaktan mo nanaman sha noh?!"bulyaw nya pero marahas kong tinanggal ang kanyang kamay sa braso ko

"Bago ka muna pumutak dyan , tanungin mo muna yang 'Darling mo' kung ano ang ginawa ko sakanya."walang emosyong sambit ko at dere-deretsong pumunta sa kwarto namin..

'King ina kasama ko din pala 'to sa iisang kwarto.'

Hindi ko nalang inisip yun at naligo nalang ako at natulog...

K I N A B U K A S A N . . .

Nagising ako sa tunog ng phone ko at naiinis na sinagot ito.."Ano?!"sigaw ko dahilan upang matawa sya sa kabilang linya..

Tinignan ko lung sino yung tumatawag at napailing pa ako..

'Sinabi na nga bang sya yan eh.'

"Ano yun Clark?!!"sigaw ko

"Anong nangyare?! May chance pa baba?"tanong nya at napabuntong hininga naman ako..

"Wala ng chance pre , masaya na daw sya kay Enzo..syempre ako wala naman akong magagawa kungdi ang palayain sya..nag-sorry na ako at nangako kami sa isa't-isa.."

"Na ano?"

"Na hindi namin kakalimutan ang isa't-isa.."pahina ng pahinang sagot ko at natawa naman sha,.

"Oh sya! Maligo ka na at dumeretso kana sa lobby! Lahat na kami nandito at tanging ikaw nalang ang wala!"natatawa nyang sambit at may binulong pa sya pero hindi ko na narinig pa yun..

Pinatay ko na ang tawag at sinunod ko ang sinabi saain ni Clark..

L O B B Y .

Napalingon pa ako sa kaliwa't kanan ko , hinahanap ko sila..

"Asaan yung mga yun?"bulong ko sa sarili ko at nang mahagip ko si Tophe na kumakain..bumilis bigla ang tibok ng puso ko..

Hehehehe mahal kooooo!!

Wala sa sariling ngumiti ako at binilisan nang maglakad papunta sa lamesa nila at bahagya la silang nagulat sa biglaan kong sulpot.

The Gay's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon