CHAPTER 1

8 0 0
                                    

Nakatingin lang ako sa white form dito sa harap ng Primecy University. Kunot noo akong nakatingin dahil di ko ginusto mag aral. Hanggang sa may nakabangga sa akin.

"Ay sorry Miss. Pasensya." At nagmadaling umalis ang taong nakabangga saken. I tsked dahil nahulog ang white form at bag pack ko. I fix myself at diretsong pumasok sa gate.

"Good Morning iha. Kanina ka pa nakatayo sa harap at galit na nakatutok sa white form mo ah."

Lumingon ako sa matandang guard at walang imik na tumingin.

"Di bale iha. Enjoy your first day." At ngumiti. Naglakad ako at tinignan ulit ang white form ko, CBA ROOM 206

I easily found my room. Sa labas pa lang, rinig ko na ang ingay at kagulohan. Lahat na ata sila magkaibigan. Ako lang ata ang transferee, sino din ba kasi loko ang magtatransfer pag third year na. Nagbuntong hininga ako at pumasok sa back door.

May mga matang tumingin at bumalik sa kanilang mga sariling mundo. Napansin kong lahat ng upuan ay may mga apelyedo na namin. Kunot noo kong hinanap ang upuan ko at nakita ko sa bandang likod tabi ng bintana.

YES.

I lazily walk at nilagay ang bagpack sa mesa at natulog muna. I close my eyes then.

Nagising ako sa ingay at tawanan sa bandang kanan ko. May nakasagi pa saken kaya unti-unti akong umayos at naghikab.

"Ay pasensya miss. Pasensya na talaga." Lalaki na naman. Tumango lang ako dahil wala ako sa mood makipag usap. Tumingin ako sa grupong nagtatawanan kanina na ngayon ay nakatingin na pala sa akin. I look at them lazily at kinuha ang bag ko.

Sinabit ko ang bagpack ko sa kaliwang balikat at naglakad sa harap nila para umalis.

Habang naglalakad sa hallway, kinuha ko ulit ang white form ko para makita ang sunod na klase ko. CBA ROOM 206

Kunot noo ako napatutok sa white form at napasapol sa noo. Lintek, kaya pala nandun pa rin sila. Napansin kong lahat ng room ko ay CBA 206 dahil karamihan ay major na. Gago ko.

Nagbuntong hininga ako at tumungo muna sa cafeteria. Nakakagutom ang pagtulog.

Malaki ang cafeteria, yung tipong nasa ibang bansa ka. Lahat ng bilihin ay nasa account na namin kaya we freely order foods here.

Pumunta ako sa dulo kung saan bawas ang ingay at wala masyadog tao. Iniwan ko ang bag ko at nag order.

Laking gulat ko nang may mga estudyanteng umupo sa upuan ko.

Ibinaba ko ang tray ko sa mesa at lahat ng mata nila ay nakatingin sa akin. Sila yung grupong maingay kanina sa room.

"Umm... bag ko yan." Sabay turo sa bagpack kong nasa mesa lang.

"Ay nako miss. Pasensya." Lumingon ako sa taong nagsalita at siya rin yung lalaking humingi ng pasensya saken dahil nasagi niya ako kanina. Ugali na ata niya maging perwisyo at humingi ng pasensya

Kinuha ko ang bag ko at dinala ang tray.

"Teka lang Miss. Makikishare sana kami kaya hinintay namin kung sino may-ari ng bag" she smiles. Maganda siya at di ako magtataka kung bakit lahat nang estudyante ay nakatingin samin. Napansin ko lahat sila ay kagandahan at kagwapuhan. Group of Popular ones, huh.

"Kayo na maupo. Alis na ako." I replied coldly. I turned my back to them without waiting for their reply. Rinig ko ang bulongan ng mga students.

Parang highschool. For the love of God.

Walang choice ako pumunta sa likod ng cba building at dun kumain. May mga benches dito, tahimik at di masyado mainit kahit maaga pa lang. Sa laki ba naman ng mga puno.

But I liedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon