[MIMI's POV]
Sino na namang tangang tao ang nang-agaw ng parking lot ko? Damn! Ilang beses ko bang sasabihin sa kanila nasa akin ang space na ‛to! Gosh! Umagang-umaga pinapainit nila ang ulo ko!
Hindi ko pinark sa kung saan ang miami pink Porsche ko. Nasa harap lang siya ng tarantadong kotse na umagaw ng parking space ko. Can't he see the fucking sign that's it's for Williamini Uy's parking space only?!
With my Black formal dress and Black fringe lace up high heels booties, I marched up to my company. Well, general manager pa lang ako but sooner or later, mapapasaakin din naman ito. Sino pa bang magmamana ng mga ari-arian at company ni daddy kundi ako lang? His sole heiress. Pwera na lang kung nagcheat siya kay mommy at meron pala akong kapatid sa labas but to sorry to tell you, my father was head over heels in love with my mom.
"Goodmorning ma'am." Bati ni Mang Arvin, ang natatanging security guard ng security agency namin. Hahaha. Well, natatangi, why? Siya lang ang may lakas ng loob na pagsabihan ako. Kaclose niya kasi si daddy at matagal na siya sa agency. Dito na siya tumanda, nagkapamilya and etc.
"Sinong tanga ang nagpark sa parking space ko?" bungad ko agad. Ni hindi pinansin ang masaya niyang bati.
"Huh? Nung pumasok ako wala pa ‛yun ah." Nagugulumihang tanong nito.
Sumimangot agad ako sa sagot niya saka nagtuloy-tuloy sa loob. Kung kanina, medyo naririnig ko pa sa labas ang halakhakan nila, ngayong nasa loob na ako. Lahat sila tahimik, lahat abala na akala mo kabi-busy-ing mga tao.
"Sinong tanga ang nagpark sa parking space ko?" Ulit ko sa tanong ko kanina. Walang umiimik sa kanilang lahat. Pati yata mga new applicant, natakot saken dahil halos lahat nagsiyuko.
Inikot ko ang paningin ko. "Walang aamin?" Damn! Ganun na ba talaga kahirap magsalita ngayon?
Hinanap ng mata ko si Glydel. My very own assistant na nakikisali sa grupo ng mga nagnonovena. Ugh. Nakita ko naman itong simpleng nagkakape at parang walang pakialam.
"Glydel! Pumunta ka ngayon din sa CCTV room and review it! Ipapahuli ko ang sinumang tangang nagpark sa parking space ko!" sigaw ko.
"What's with the noise?" Mula sa kung saan ay lumabas ang pinaka-iinisan kong mukha sa buong mundo.
"What are you doing in my company?!" Sigaw ko.
Nagtakip naman ito ng tenga na akala mo super lakas ng sigaw ko at nabasag ang eardrums niya.
"Nandito ako para kumuha ng mga security guards, well, it's a security agency after all and for the record, its your fathers, not yours." He looked smug while saying those.
Pinaningkitan ko siya ng mata, kung meron mang isisingkit pa ‛tong mga ‛to. Then something pop into my head. "So it is your car that was parking in my parking space!"
"There's no available parking space earlier so I've got no choice." Parang wala lang na sabi nito.
"Tanga ka ba? Can't you see the sign that it was intended just for my me and my car?" patutsada ko.
He look at me na parang nakakapagod makipagtalo sa isang kagaya ko. "Look, Mimi, it was just a fucking parking space. Bakit feeling mo inagaw na sayo lahat?" may panunuyang sabi nito. "At kliyente niyo ako. Ganito ka ba makipag-usap sa mga kliyente niyo?"
Kung pwede ko lang siyang tirisin, ginawa ko na. Kung pwede ko lang siyang ipasalvage, e di sana pugo't ulo na siya.
"You are really a spoiled brat. When will you grow up?" dagdag pa nito ng hindi ako nakapagsalita saka umiling.
BINABASA MO ANG
Love Cafe Series: Impossible Not to Love You
Non-Fiction| O N G O I N G I LOVE CAFE SERIES ** PRESENTS ** #7: Impossible Not to Love You ~ When two different people crush each other. Will it be possible for a happy ending or a deadly ending?