Calixtha

9 2 0
                                    

This story is dedicated to my first ever follower @blueream_ICE_HELL...thank you so much...pls enjoy
NOT EDITED

~~~

Napa hinga nalang ako ng malalim nung lumabas na sa music room ang bandang LMNTRX na katatapos lang mag ensayo para sa gaganaping grand ball bukas ng gabi. Samantalang ako? Naka upo parin sa pwesto ko kung saan kanina pa ako naka upo.

Sumandal ako sa upuan ko tsaka ko pinikit ang aking mata at biglang nag lakbay ang aking imahinasyon.

Naka tayo ako sa gitna habang pinapaligiran ako ng mga tao na may hawak na rosas sa kanilang kamay at sa harap ko ay hinaharana ako ng LMNTRIX habang ang aking crush ay nasa gitna, naka hawak sa kaliwang kamay nya ang mic at sa kabilang kamay naman ay may bouquet of red roses.

Matapos silang haranahin ako ay lumapit sakin si crush at bigla syang lumuhod na ikina gulat at saya ko ng husto.

"Calixtha Perez, will you be my gir-"

"HOY CALIX!"

Napa balikwas naman ako nung may biglang sumigaw sa pangalan ko at ika yamot ko ng husto kasi andun na eh. Malapit na, kahit sa imagination ko lang sana ay maging kami, masaya na ako.

"Kanina pa kita tinatawag babae, lunch na uy" sabi ng aking bestfriend na si Savrina pero Sav ang tawag ko sa kanya

"Oo na po" sabi ko at sabay kaming dumeretso sa cafeteria ng school

Habang nag lalakad kami ay naalala ko nung una kaming mag kita ng aking crush.

Kasalukuyan akong naka upo sa silya habang naka harap sa vanity mirror ni Mama at inaayos naman nya ang aking tiara sa ulo dahil ice-celebrate namin ngayon ang aking 7th birthday, at ang theme ay Royalties. Naka suot ako ng kulay gray na princess gown at puting doll shoes. Pinag pilitan pa nga ni Mama na kulay pink ang gown ko dahil pang lalake daw ang kulay gray pero hindi ako nag paawat kaya ako ang nanalo.

"All done anak" sabi ni Mama at linapit ang kanyang mukha sa akin

Tinignan ko ang aming repleksyon sa salamin at hindi ko maiwasang mapansin ang saya sa mga mata ni Mama.

"Mama" tawag ko

"Hmmm?"

"Pano mo po naging love si Papa?" tanong ko at mas lalong lumaki ang kanyang ngiti

Hindi sya nag salita at pumunta sa aking harapan at masuyong hinaplos ang aking buhok.

"Minahal ko sya anak, dahil mahal ko kung sino man sya"

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi ni Mama.

"Minahal ko sya kung sino man ang Papa mo, tinanggap ko kung sino man sya. You know anak, love doesn't need reasons for you to love a person. If the time comes when you already love someone, don't love him for his looks, his fame, his money, his attitude. Love him for who he is, flaws and all" paliwanag ni Mama kaya kahit hindi ko pa maintindihan ay tumango nalang ako

Hinalikan nya ang aking noo at tumayo na sya "Come on anak, the party is about to begin"

Na-excite naman ako kaya dali dali akong nagpa karga kay Mama. Bumaba kami at sinalubong naman kami ni Papa na naka costume na pang hari at si Mama naman ang kanyang queen.

"Papa!" bati ko at sa kanya naman nagpa karga na agad naman nya akong binuhat.

"Ang laki laki mo na princess, ang bigat mo na rin"

Chocolate Coated-Apple (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon