Calixtha

10 2 0
                                    

"Anak, hindi ka ba pupunta sa ball nyo?" takang tanong ni Mama sakin

"Hindi po Mama, masakit po ang ulo ko" pagdadahilan ko

Hindi naman talaga masakit ang ulo ko, ang puso ko ang sumasakit dahil sa nalaman ko kahapon. Napa luha na naman ako nung maalala ko ang tinanong nila sa kanya.

Matapos kong marinig ang tanong nila ay nag chat ako kay Sav na uuwi na ako dahil may emergency sa bahay kahit wala naman. Hindi ako umatted ng afternoon class kahapon dahil nanghihina ako. Wala namang klase ngayon ang mga 4th year dahil mamaya na ang grand ball pero hindi ako pupunta dahil masasaktan lang ako pag makita ko syang may kasamang iba.

Natigilan naman ako nung may biglang humaplos sa aking ulo "Alam kong may problema ka anak"

Mabilis akong yumakap kay Mama at humagulhol sa iyak.

"Shhh, tahan na anak"

Makalipas ang ilang minuto ay tumahan na ako. Kasalukuyan akong naka higa sa hita ni Mama habang sinusuklay naman nya ang aking mahabang buhok.

"Bakit ka umiiyak kanina anak?"

Yumakap ako sa kanyang tyan "May girlfriend na po si Ethan"

Nanubig na naman ang aking mata sa imaheng masaya sya sa piling ng iba.

"Dahil ba dun, kaya ka umiyak anak?"

Tumango ako "Opo Mama, ang sakit sakit po"

"Ang anak ko, dalagang-dalaga na. Mahal mo ba sya anak?" tanong ni Mama

Tumingin ako sa mga mata ni Mama at kita kong seryoso sya "Opo Mama, mahal ko po sya"

"Bakit mo sya mahal anak?"

Bakit ko nga ba sya mahal?

"I don't know Mama, basta bigla ko nalang syang minahal at mahal ko po sya kung sino man sya, flaws and all" bigla kong sagot na hindi iniisip, basta ko nalang sinabi

Ngumiti naman sya "You should attend that ball anak"

Mas lalo ko syang yinakap "No Mama, I don't want to go"

Hinaplos nya ang aking pisnge "You should go, it'll be worth it"

Napa buntong hininga nalang ako nung mapansin ko ang determinasyon sa mga mata ni Mama na pumunta ako sa ball at kahit ayokong pumunta ay napilitan akong dumalo.

Nagtaka naman ako nung mapansin kong ganitong-ganito ang disenyo ng gown ko nung 7th birthday ko, kaparehong, kapareho. Pinag suot ako ni Mama ng white heels na 3 inches at tiara. Tinignan ko ang aking sarili sa full-body mirror, para akong nag balik nung 7th birthday ko.

"Ang ganda ganda mo anak" puri sakin ni Mama

"Mas maganda po kayo Mama" puri ko pabalik dahil totoo naman kasi na mas maganda si Mama

Kamukha ko si Mama pero nakuha ko kay Papa ang kanyang kulay abong mga mata na nakaka agaw pansin dahil sya ay purong Algerian samantalang si Mama ay purong Pilipina

"Baba na anak, late kana"

Bumaba na kami at dumeretso kami sa labas kung saan naka abang ang limousine namin.

"Enjoy the party anak"

Tumamgo ako "I'll try po Mama"

Humalik ako sa kanyang pisnge at sumakay sa sa limo. Tinignan ko si Mama sa bintana at may katawag sya kaya hindi ko nalang pinansin.

Chocolate Coated-Apple (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon