Chapter 1

29 7 1
                                    

MARAHAN ngunit may diin sa bawat galaw ni Alyssa. Kusang sumasabay ang kanyang katawan sa ritmo ng awit. Nakapikit siya habang sumasayaw. Dinadama ang bawat liriko ng kanta.

Lagi niya itong ginagawa pero di pa rin mawaglit sa puso niya ang kaligayahang dulot ng pag sayaw. Bata pa lang siya ay nakakitaan na siya ng talento sa pag sayaw.

Dito niya ibinubuhos ang lahat ng emosyon niya. Ito ang nagiging takbuhan niya sa tuwing nalulungkot siya.

Sa pag sayaw niya ipinapakita ang nararamdaman niya.

Naidilat niya ang mga mata ng makarinig ng mga yabag ng paa na papalapit sa kinaroroonan niya.

"Walang kupas. Ang galing mo pa ring sumayaw." Rinig niyang sambit ng taong kanina pa pala siya pinapanuod. Isang matamis na ngiti ang pinakawalan nito kasabay ang pag palakpak.

Imbes na matuwa,Inis ang naramdaman ni Alyssa.

"Umalis ka na Cal." Sabi niya dito. Malamig ang kanyang tinig at walang makikitang emosyon sa kanyang mukha. Kahit na sino ang makakita sa kanya sa oras na iyon ay siguradong matatakot.

"Alyssa ipapaalala ko lang naman sayo yung appointment mo kay Dr.Demour." Pagdadahilan nito.

"Hindi mo na ako kailangang palalahanan. Alam ko kung ano ang dapat kong gawin." Tipid niyang sagot bago umalis sa harapan nito.

NAKATITIG lang si Dr.Zack Demour sa magandang mukha ng kanyang pasyente. Hindi niya maalis ang tingin sa dalaga. Nakakahumaling ang taglay nitong ganda.

Sa loob ng ilang taong kasama niya ito, di pa rin nagbabago ang tibok ng puso niya sa tuwing nakikita ito.

Tapos na ang sesyon sa araw na ito ngunit ayaw niya pa itong umalis. Kung maaari lang sana ay manatili na ito sa tabi niya, habambuhay.

Handa niyang talikuran ang lahat para sa kanya. Para sa babaeng mahal niya.

"Bakit pa ba ako pumupunta dito?" Walang emosyong wika ng dalaga.

"Dahil kay Cal." Maikli niyang sagot.

Tama. Dahil kay Cal. Masakit man pero yun ang totoo. Hindi siya magkakapuwang sa puso nito, dahil kay Cal.

"Nag aaksaya lang tayo ng oras ng isa't isa. Hindi mo na ako maibabalik sa dati."

Nanatiling kalmado si Zack ngunit ang isipan at puso niya'y nagkakagulo. Tama ang babae. Hindi niya ito maibabalik sa dati. Sa dating Alyssa.

Sa ilang taong pagiging pasyente niya ito, wala siyang nakitang pagbabago. Minsan naiisip niya na di siya karapat dapat na maging doktor dahil di niya ito magamot.

"Pero bakit ka pa rin pumupunta dito?" Balik na tanong niya dito.

"Tulad ng sunabi mo. Dahil kay Cal." maikli nitong sagot.

Mapait siyang napangiti sa naging sagot nito. Alam na naman niya ang sasabihin nito bakit pa ba siya nagtanong.

Naalarma siya ng makita niyang paalis na ito.

"Saan ka pupunta? Anong gagawin mo?" Agad niya itong tinanong.

"Sa impyerno. Sama ka?"

MULI na namang sumasayaw si Alyssa. Ngunit iba na ang ritmo ng kantang kanyang sinasabayan.

May hawak siyang kutsilyong nababahiran ng pulang likido sa dalawang kamay.

May lalaking nakaupo sa kanyang harapan. Pinapanuod ang kanyang bawat galaw. Ngunit imbes na pagkamangha, takot ang nararamdaman nito.

"Parang awa mo na pakawalan mo na ako." Pagsusumamo ng lalaki.

Musika sa pandinig ni Alyssa ang pagmamakaawa ng lalaki. Inilapit niya ang kutsilyo sa pisngi nito.

"Wag!" Kasabay ng pagsigaw nito ay ang paghiwa niya sa pisngi nito.

Dugo. Lumabas ang dugo mula sa hiwang ginawa niya. 

"Ahh. Ano bang ginawa ko sayo!?"

Ginamit niya ang kutsilyo sa kanang kamay para hiwain ang damit ng lalaki.

Ngayon, wala na itong pang itaas. Ang kutsilyo naman sa kaliwang kamay ay ginamit niya upang gumuhit ng ekis sa dibdib ng binata.

Lalo pang napasigaw sa sakit ang lalaki. Nabubuhay ang dugo ni Alyssa sa pagsigaw nito. Lalo pa siyang ginanahan.

Lumayo siya sa binata. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Muli, kusang gumalaw ang kanyang katawan sa ritmo ng sigaw at pagmamakawa ng binata. Nawawala na sa sarili ang dalaga dahil sa nararamdamang kasiyahan.

Kung saan saan tumatama ang kutsilyo sa kanyang mga kamay. Marahan siyang lumapit sa binata habang patuloy sa pagsayaw.

Narinig niya ang malakas na palahaw ng lalaki. Marahil tinamaan ito ng kutsilyo. Labis siyang nagalak sa ideyang yun.

 Ang dating marahang paggalaw ay naging mabilis.

Pabilis ng pabilis ang pagsayaw niya, ang paghiwa niya sa binata.

Tumigil siya sa pagsayaw kasabay ng pagtigil ng sigaw ng binata. Dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata.

Tumambad sa kanya ang walang buhay na katawan ng kanyang biktima. Ang dating maamong mukha nito ay natatabunan na ng sariling dugo. Puno ng hiwa ang buong katawan nito.

Narinig niyang may malakas na tunog mula sa kanyang likuran. Nung lumingon siya, nakita niya ang galit na si Cal.

Sigurado siyang ito ang may likha ng malakas na tunog, marahil sinuntok nito ang mesa malapit sa kanya.

"Galit ka ba?" Tanong niya dito. Ayaw niya itong makita ngunit alam niya na hindi pa rin nawawala ang nararamdaman niya para dito.

Wala siyang nakuhang sagot mula dito. Bakit pa nga ba siya nagtatanong?

Magalit man ito o hindi, wala ng magbabago. Patay na ang lalaki sa harapan niya at di niya pinagsisisihan ang ginawa.

"Ginawa ko lang kung anong tama." Sabi niya bago umalis sa kwartong iyon.

PUMASOK si Vius sa condo ni Diego Lapeña. Nakita niya ang dilaw na linya na nagsisilbing harang para sa mga taong naguusisa sa nangyaring krimen.

Kilalang tao ang mga Lapeña kaya di na kataka-takang maraming pulis ang narooon.Nagulat siya ng makita ang bangkay ng lalaki. Naliligo ito sa sariling dugo.

Sa dami ng natamo nitong hiwa sigurado siya na personal ang motibo ng suspek. May hindi magandang reputasyon ang binata kaya hindi malabong mas nais na pumatay dito.

Naglibot siya sa paligid ng bangkay. Natuyo na ang dugo nito sa sahig. May ilang bahid din ng dugo sa ibat't ibang gamit.

Paano kumalat ang dugo nito ng ganito?

Tumingala siya at nakita din niya ang kisame na may mga natuyong dugo.

Paano ito napunta dito? Anong klaseng kriminal ang gumawa nito?

Napakunot ang kanyang nuo ng makita ang isang keychain sa sahig. Isa iyong keychain na hugis sasakyan.

Nakaramdam siya ng kakaiba kaya itinago niya ito. 

Ilang oras pa ang nakalipas napabuntong hininga na lang siya ng walang makitang finger prints o anumang bagay na pwedeng gawing clue para mahanap ang salarin. Mukhang hindi magiging madali ang kasong ito.

Pero sa kabila nun, determinado siyang mahanap ang pumatay dito. Bilang isang pulis sisiguraduhin niyang mahuhuli niya ito.

A/N: Comments and votes are highly appreciated. Enjoy Reading.

Ciao!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

At My WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon