May hawak siyang kutsilyong nababahiran ng pulang likido sa dalawang kamay. May lalaking nakaupo sa kanyang harapan. Pinapanuod ang kanyang bawat galaw. Ngunit imbes na pagkamangha, takot ang nararamdaman nito. Musika sa pandinig ni Alyssa ang pagmamakaawa ng lalaki. Inilapit niya ang kutsilyo sa pisngi nito. "Wag!" Kasabay ng pagsigaw nito ay ang paghiwa niya sa pisngi nito. Dugo. Lumabas ang dugo mula sa hiwang ginawa niya. Ginamit niya ang kutsilyo sa kanang kamay para hiwain ang damit ng lalaki. Ang kutsilyo naman sa kaliwang kamay ay ginamit niya upang gumuhit ng ekis sa dibdib ng binata. Lalo pang napasigaw sa sakit ang lalaki. Nabubuhay ang dugo ni Alyssa sa pagsigaw nito. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Muli, kusang gumalaw ang kanyang katawan sa ritmo ng sigaw at pagmamakawa ng binata. Kung saan saan tumatama ang kutsilyo sa kanyang mga kamay. Narinig niya ang malakas na palahaw ng lalaki. Marahil tinamaan ito ng kutsilyo. Labis siyang nagalak sa ideyang yun. Pabilis ng pabilis ang pagsayaw niya, ang paghiwa niya sa binata. Tumigil siya sa pagsayaw kasabay ng pagtigil ng sigaw ng binata. Dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata.Puno ng hiwa ang buong katawan nito. "Ginawa ko lang kung anong tama." Sabi niya bago umalis sa kwartong iyon.
1 part