Snowein's POV
Kyaaaa! Sinagot ko na sya. Ako na lang walang boyfriend samin eh.
︶︿︶
Papayag ba ako? Hindi noh.
Bzzzzt... Bzzzzzt...
*Sorry sa sound fx, walang maisip eh. Kung sino man may alam ng ibang sound fx ng vibration... paki comment nalang po. Thanks. (>^ω^<)
May nagtext.
Yuri? Ikaw yan. I can feel it.
Message opening...
FROM: Hanah
Psshh, kababasa ko palang kung kanino nanggaling, nawawalan ako agad ng gana. Sorry Eshpren.
Oh well, buksan na 'to.
Eshpren, sinagot mo na daw si Yuri sabi ni Sabrinna? Gaga ka talaga! Pa'no mo nagagawang makipagrelasyon sa di mo kilala? Ang malala, di mo pa nakikita. Bahala ka. I'm just concerned. Ayokong magsisisi ka sa huli.
----
Pinagsasasabi nito? Mahal ako ni Yuri sabi nya. Inggit lang 'to XD
TO: Hanah
Mahal ako ni Yuri. Sabi nya. ♡ Inggit ka lang. Hiniwalayan ka lang ni Hiro, ang bitter mo na.----
Hiro Itashi. Japanese boyfriend ni Hanah. Correction: EX. Haha.
Sabi n'ya ipapakilala nya sakin. Di ko pa yun ever nakikita. Basta sabi ni Hanah, manloloko daw kaya hindi pa nga dalawang linggo, hiwalay na.
Sama noh? Ipinangangalandakan lang ang pagkabigo ng Eshpren nya.
Bzzzzt... Bzzzzt...
Si Hanah 'to.
FROM: Hanah
Sabi nya. Hindi mo naman kilala ehh. Malay mo, niloloko ka lang nun.----
FROM: Hanah
Hindi ako bitter. :P----
Ah, talaga? Hindi ka bitter?
TO: Hanah
Neknek mo. Bitter ka! Hindi yun tulad ng ibang lalaki jan na manloloko. Iba si Yuri. Kaya pwede ba, wag mong iisipin na tulad sya ni Hiro loves mo. XD----
At ayun, di na nagreply ang gaga.
Oh, diba.
Yuri ko. ♡ Di ka pa magrereply?
Kalungkot naman. X﹏X
Bzzzzt... Bzzzzt...
May nagreply na.
Opening message...
FROM: Hanah
Tsskk. Enebeyen. Nakakawalang ganang mag cellphone. Parang nawawalan na rin tuloy ako ng gana maglakad papuntang school.
GAGA!
----
Aaaaaargh! Ikaw talaga Hanah! Grabe ang expectation ko na si Yuri magtetext, tapos YAN LANG? YAN LANG ang laman ng message mo?
>_< Kabadtrip naman oh.
Bzzzt... Bzzzt...
Oh, may nagtext na naman. WAG NA! Nakakawalang ganang buksan.
Ano pa silbi nitong cellphone na 'to kung di lang naman magtetext so Yuri?
Alam ko na! Sound Trip.
♬♬
Libraries... Searching...
Etong... uhm, Angel? Ay wait...
Instrumental na lang. Yiruma...
Searching...
Yiruma - May BeAy, maganda yata 'to.
Click - Play.
Hmmm... Maganda.
♬♩♪♬♩♬♪
Ang ganda ng...
Splassssh!*sorry na nga sa sound fx eh. May iba pa bang sound fx ng splash?
Basa yung uniform ko!
" Litse ka! Napakawalang modo mo naman na driver ka! "
Kaineeeees! Urghhhh.
Pano pa ako papasok na puro putik ang uniform ko?
Ba't ka bumaba ng motor mo? Joke lang. Di ako galit.
Hala. Bumaba si kuyang gwapo na nagdaDrive ng motor nya.
Kuya, NOOOOOO!
" OK ka lang Miss? "
Nakakatakot ka. Ang gwapo mo sana. Pero, panagutan mo 'to.
" Hindi? Eh, sa naputikan ang uniform ko. Pano ako papasok kung gan'to uniform ko? Ang balasubas mo naman kasi magpatakbo ng motor. Ano 'to, karera? "
Ok, mukhang hindi naman sya nagalit. Fine.
Pero nakakagulat ang sagot nya.
" Sino kaya 'tong gumagamit ng cellphone habang naglalakad? Eh, diba, ikaw? Tapos ako sisisihin mo. "
Aba't, nagjojoke ka nga lang ako ehh, diba? Ang seryoso mo naman kuya.
Syempre, di ako papayag.
" Oh, ano ngayon? Wala namang nagsabing bawal magCellphone habang naglalalad. Ang bawal, ang mag over speeding! Che! "
Sa hindi inaasahan, kinuha nya ang wallet nya. Gosh! Sa lahat ng pwedeng ipukol sakin, wallet pa?
LOL. XD
Nakakatawa! Hahahaha.
Hahaha. Aray, sakit ng tiyan ko.
" Oi, miss... Ba't ka tumatawa jan? "
Tanong nya with a weird stare.
Epal ka! Ikaw tinatawanan ko.
" Ayy, wala naman. Ba't ka kasi bumunot ng wallet? Ano? Pupukpukin mo ako? "
Yun yung sabi ko ki kuyang gwapo na masama ang ugali.
" Aba't tanga ka rin ano? Malamang kukuha ako ng pera pambili mo ng bagong uniform? "
HUHU. :'(
Nakakatangang tumawa ng walang dahilan. Pero mas nakakatangang tumawa sa maling akalang dahilan. Oh ha?
Kuya, nakakapikon ka na.
-_-#
" At anong akala mo sakin, bayaran? Ang tanga naman kasi much. "
At dun nagsimula ang mahabang bangayan.
*End of Flashback.
BINABASA MO ANG
Barefoot and Bruised
Non-FictionAnnouncement: Half romance, half ewan lang ang kwentong ito kaya wag kayong mag eexpect ha? Bunga lang io ng matinding boredom.