Chapter 2
PHOEBE'S POV
"Woi, Hoi, PSSSTT!!" Tawag pansin pa sa'kin nito. Galing 7 11 ay dumeretso na ako sa Bahay. Habang 'yong malandi ko namang kasama ay naiwang nakabuntot sa likod ko.
GRABE! Nakauwi, Nakaligo, Nakabihis, Nakakain, Nakarating na'ko sa Skwelahan at lahat lahat, nakabuntot pa rin sa'kin si mokong! Tssskk!
Nakatakip ang pareho kong mga kamay sa tenga habang naglalakad ako papunta sa field ng Trust High (school namin ng mokong bestfriend ko 'to ha?) para makarating na'ko sa classroom. Nakakarindi ang boses niya!
Napahinto ako sa paglalakad nang maramdaman kong may humigit sa braso ko. Kunot-noong napalingon ako sa bwisit na nasa likod ko ngayon na siyang humila sa braso ko.
"Ano ba Phil?!?! Late na ako oh!" bulyaw ko naman sa kanya habang inis na ipinapakita sa kanya ang relo ko, habang siya'y nakanguso naman ngayon sa harap ko, saka biglang ngumiti nang pagkalapad-lapad. Kaya mas nagsalubong ang kilay ko at kumunot ng todo ang noo ko. LECHE!
"Pwede makisit-in by? Pleeaassee?? Kahit ngayon lang? Paminsan lang naman 'to eh---"
"HENDE! AYAW! NO! ALIS!" putol ko naman sa pagmamakaawa niya daw 'kuno', saka siya tinabig at nagtuloy na sa paglalakad, nasa ilang dipa na lang ang layo ko sa room nang biglang kumaripas ng takbo si "IPIS" papunta sa pinto ng classroom KO, at kinausap ang teacher KO, aba at may paluhod-luhod pang nalalaman ang loko! Napairap naman ako at pumasok na ng tuluyan. Nabaling sa'kin ang atensyon ni Miss Cobresa. Nagtatanong ang mga mata niya, na siyang sinagot ko naman ng iling na parang dismayado pa sa pinanggagagawa ng bestfriend ko.
"Good Morning Miss, sorry for being late..." Pagbati ko pa sabay yuko bilang paggalang. Tumayo na ako ng tuwid habang hinihintay ang pagtugon niya.
"Mm, take your sit Miss Valdez..." Sabi niya pa, saka naman ako tumango at dere-deretsong uupo na sana sa dulong upuan katabi ang bintana nang bigla kong narinig ang IMPIT na SIGAW ng ADIK kong bestfriend.
"BYY!! PHOEBEEE!! SIGE NAAA!! PUMAYAG KA NA PLEEAASSEE!! HUHUHU" Pagmamakaawa niya pa, na animong walang pake sa kahihiyang pinapasok niya. UGH!
Inis ko siyang nilingon at binatuhan ng MASAMANG MASAMANG tingin na sinasabing Umalis ka na kung ayaw mong batukan kita sa harap nilang lahat ngayon! Kaya naman mas Lalo pang tumalas ang nguso niya na siyang ikinatili ng mga babae kong kaklase. Sinipat ko naman sila ng MASAMA ring tingin kaya naitikom nila ang nakakarindi nilang mga bibig na parang tinusok ng bubuyog sa sobrang pula. Napairap ako saka binalikan ang ipis na kasalukuyang nakanguso at nagpa-PUPPY EYES 'KUNO'. Siguro masasabi mo ngang puppy eyes 'yon kasi mukha siyang aso na pinagtatapon sa mga kalye. Tch. -_-
"Tayo." utos ko naman sa kanya kaya mabilis pa sa alas kwatrong napatayo naman siya ng sobrang tuwid na akala mo'y alambre na nabinat. Napasinghal ako saka siya hinead to toe.
"By---" "Talikod" Putol ko pa sa sasabihan niya sana. Agad naman siyang tumalikod na may kung anong binulong pa, kaya mas lalong sumama ang tingin ko sa kanya, kahit di niya naman nakikita kasi nga nakatalikod na siya at nakaharap sa pintuan ng classroom.
"Lakad" Humarap pa siya sa'kin nang may nagmamakaawang mga mata kaya inirapan ko na lang siya. "May sinabi ba akong lumingon ka?!" agad naman siyang napaharap muli sa pintuan saka nagsimulang maglakad papalabas. Nasa kanya lang ang tingin ko non, habang patuloy siyang naglalakad, hihinga na sana ako ng maluwag nang bigla naman siyang lumingon ulit.
"By naman Di ba talaga pwede---" Mabilis akong naglakad patungo sa pintuan at agad kong binagsak ito dahilan upang 'di niya matapos tapos ang litanya niya. Pero dahil may glass sa taas ng pintuan ng room namin, ay Nakita ko pa siyang may kung anong sinasabi saka pakamot-kamot sa ulong umalis.

BINABASA MO ANG
A Fairy Tale Come True
Ficção AdolescenteNagmahal, Nasaktan, Iniwan, at Pinaglaruan... Normal na man siguro 'to sa buhay ng isang taong nagmamahal diba? Pero paano kung yung pinapangarap mo lang noon, ay biglang na lang nagpakita sa harapan mo? Ang kaso, di mo nakilala. Pano na lang kaya?