Alexandra

15 1 0
                                    

Kasalukuyan akong naka harap sa tapat ng aking salamin habang pinag mamasdan ko ang aking repleksyon.

Naka suot ako ngayon ng floral dress na abot hanggang tuhod at beige sandal dahil pupunta kami ngayon sa dagat na pag-aari ng pamilya namin. Tinirintas ko ang aking wig na buhok na abot hanggang bewang at sinuot na ang aking sumbrero.

"Alex, baba kana anak. Nandito na si Kiefer" paalam sakin ni Mama mula sa labas ng aking kwarto

Mas lalong lumawak ang aking ngiti. Ang aking mahal "Opo Mama, baba na po ako" pabalik kong sabi

Agad akong tumayo at kinuha ang cellphone ko tsaka ako bumama at doon ko nadatnan sina Mama, Papa, kuya Andrei, at si Keifer na walang anumang emosyon na makikita sa kanyang mukha lalo na sa kanyang pares na mga mata na kulay asul. Humalik ako sa pisnge nila samantalang yumakap naman ako kay Keifer.

"Thank you for being here Keifer" maluha kong sabi at mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya nung wala man lang syang sinabi kaya kahit labag sa loob ko ay kumalas na ako sa yakap

"Let's go na po" pahayag ko kila Mama na tulala lang sa tabi

May pilit na ngiti sa labi ni Mama "Sige anak" bumaling ang tingin nya kay Keifer "Iho, pwede bang sayo nalang sumabay si Alex?"

Tumango si Keifer "Sure tita" at nauna na syang lumabas kaya napa yuko ako

May biglang tumapik sa balikat ko kaya tinignan ko kung sino at si kuya Andrei pala "Just enjoy bunso"

Ngumiti ako "Opo kuya" at sumunod na kay Keifer sa labas

Pumasok na ako sa kotse nya at nadatnan ko sya sa driver's seat na prenteng naka upo kaya umupo na ako sa passenger's seat tsaka ko kinabit ang seatbelt ko.

"I'm so exited. It's been years since I went to the beach" at hindi maitago ang excitement ko at napapa talon ako sa upuan ko ng bahagya

Pumunta kasi kami sa New York five years from now at kakauwi lang namin dito sa Pilipinas nung last week. Nag pumilit ako kina Mama na pumunta sa beach at hindi naman sila maka ayaw kahit hindi pwede at nag request pa ako sa kanila kung pwedeng isama si Keifer at pumayag naman sila.

Binuhay ni Keifer ang makina ng kotse nya at tinahak na namin ang daan tungo sa beach namin. Alam na alam nya ang daan kasi madalas kaming mag date nun noong kami pa. Oo, ex boyfriend ko si Keifer at nag tagal kami ng limang taon pero nakipag hiwalay ako noong mismong araw ng pag punta namin sa New York. Masakit noon at masakit parin hanggang ngayon pero hindi ko pinag sisihan na makipag hiwalay sa kanya dahil balita ko may mahal na syang iba.

"How are you and your...girlfriend?" tanong ko para naman hindi maging awkward ang atmosphere since medyo malayo-layo pa naman ang tatahakin namin

Tinitigan ko syang mabuti at nung binanggit ko ang salitang girlfriend ay mistulang nag ningning ang kanyang mga mata. Those are the same sparks in his eyes how he looked at me before, but not for me anymore.

"Fine. And I plan to marry her this year"

Pain struck to my heart so I massage it lightly then evens out my breathing. I calm myself na hindi pinapahalata sa kanya.

"W-wow, advance happy w-wedding" tanging sabi ko at bumaling sa kabilang direksyon

Tumingin ako sa labas ng bintana at hindi ko inalintana ang mga luha na bumababa sa aking mga mata. Marry her this year huh. He used to tell me when we're still together that he'll marry me someday, he promised me that but I guess, promises are meant to be broken.

Pinunasan ko ang mga luha ko at ngumiti. Even if I'm in pain I still wish them a happy ending. Tinignan ko ulit si Keifer na seryosong nag mamaneho. I wish Keifer to be happy.

Makalipas ang ilang oras ay naka rating na kami sa dagat kaya dali dali kong kinalas ang seatbelt at lumabas.

I spread out my arms and feel the cold breeze hitting by body. This is life, minulat ko ang aking mga mata at tumingin sa napaka gandang dagat at hindi ko mapigilan ang aking sarili na humiling na sana ganito nalang parati.

"Alex!"

Tumingin ako sa likod at nakita ko ang aking pamilya na masayang naka tingin sakin kaya ngumiti din ako pabalik.

Nag simula na kaming mag lakad tungo sa isang cottage at nung naka pasok na kaming lahat ay linapag nila ang mga gamit.

"Mag iihaw lang kami ng Papa nyo ah" paalam ni Mama at sinumulan na nilang i-assemble ang grilling pan

"Maliligo ako mamaya, tatapusin ko lang 'tong bagong project sa kompanya Alex" sabi naman ni kuya Andrei na ngayon ay nag titipa na sa kanyang laptop

Bumaling ako kay Keifer at nagpa cute. Sana gumana ka.

He heaved a sigh "Fine"

Pumalakpak naman ako sa tuwa "Yay!"

Tinanggal ko ang sumbrero at dress ko at ang natira ay ang short shorts at bikini top, at dali daling pumunta sa tubig.

Tawa ako ng tawa dahil ang gaan ng aking pakiramdam, na parang wala akong dinadalang problema. Sana...sana ganito nalang parati.

~~~

The Other Side (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon