chapter 4: the secret

38 23 3
                                    

Rhienne's P.O.V

Nilingon ko ang pinanggalingan ng Boses dahil akala ko'y ako ang tinatawag. Para kasing Rhienne ang sinigaw:/

Wala namang tao sa labas ng pintuan pero sino kaya yun? Baka guni-guni ko lang yung mga narinig ko. Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa at mas tinuon pa doon ang atensiyon. Ayoko kasing naiistorbo pag may ginagawa, minsan kasi hndi ko maiwasang magkamali rin. Tao lang din nman ako para magkamali, minsan naiisip ko katandaan ko na rin siguro toh. Nagiging makakalimutin na kasi ang Lola niyo hayysst-,-

"Ate Rhienne! Good morning po" sa Boses niya palang Alam ko na toh, si Hernits na nman toh, ang cute na writer ng mga famous romance story sa pocket books.

Tinignan ko siya at sinenyasang pumasok.

"Hernits kung mang iistorbo ka lang dito sasabihin ko na sayo habang maaga pa, laging bukas ang pinto" paalala ko sakanya kaya nman pumout siya.

Nakasanayan na naming asarin si Hernits kada pumarito siya sa amin kaya naman parang bale wala na to sakanya ngayon.

"Ate Rhienne nman ihh sobrang bad mo po" pinukol ko nlang siya ng masamang tingin at siya nama'y umupo sa gilid kung Saan naroroon ang sofa.

"Ate Rhienne totoo po ba yung bali-balita na darating na yung son of the owner ng Pub.Com na toh?" Nabigla ako sa tanong niyang yun kaya naman napatingin ako sa gawi ni Dyisha pero nanatili lamang siyang nakatingin sa computer.

Ako rin ay hindi maisip kung anong itsura ng lalaking yun. Kung mukhang tao rin ba, o baka nman mukhang bulok na kalabasa. Pero syempre kailangan ko ring maging marespeto pagdating niya at paghumarap ako sa kanya. Pero wag na wag lang siyang maging suplado sa harap ko dahil hinding-hindi ako magdadalawang isip na magresign... Oo, magreresign talaga ako!

"Di ko alam pero narinig ko na din nman ang tungkol jan" sagot ko na nakatutok parin sa mga nirerevise Kong  short stories habang siya nman ay tumatango pang nkatingin saakin.

"Shhhhh!" Pagpigil ko sa kanya dahil  akma na nman niyang ibuka ang kaniyang bibig. Kaya nman inunahan ko na siyang magsalita. "Hernits wag mo na akong guluhin sa mga bagay na Hindi ko kinaiinteresan, ika nga nila time is gold kaya please lang babae! Wag mo ng sayangin ang oras mo pati oras ko sa walang ka kwenta-kwentang topiko na yan. Maliwanag?" Mahabang paliwanag ko kaya nman tumingin siya sakin na parang naiiyak.

"Ate Rhienne nman ihh" parang paiyak niya nang sabi. "Hindi nman ma wawaste ang time mo ate Rhienne kasi para nman sayo tong pag-uusapan natin dalawa"

Patuloy siyang umiingos sa tabi ko. Kaya nman tinignan ko siya sa paraang pagtatanong.

'Panong naging para sakin yon? Eh yung pinag uusapan lang nman namin eh yung sinabi niyang Son of the Owner tss'

My Boss B MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon