17 ✙ Symbols

292 8 0
                                    

PARANG isang taon siyang nawala sa pinagtatrabahuhan niyang trabaho sa Diamond Inc. Maingay ang ambiance sa buong paligid, naririnig niya mula sa kanyang mumunting tenga ang hiyawan ng mga kasamahan niya habang nalilito kung ano ang ipapasuot na damit sa mga model, mga tunog ng kamera na paulit-ulit na pinipindot ng photographer, at mga paang paroot-parito na naglalakad mula sa kanyang harapan.

"Excuse me po MIss Ivy. Maganda po bato?" Isang intern ang lumapit sa kanya upang alamin ang kanyang opinyon sa litratong kinunan nito kanina. Kinuha naman niya ang naturang mga litrato. It was a Japanese inspired coffe house ang backdraft habang nakadamit naman na parang mga anime ang mga models.

"Beautiful." Usal niya.

"Talaga po!"

"Yes! It was definitely beautiful. The color was playful and the ambiance was phenomenal."

"Nako salamat po Miss Ivy. Masaya po ako dahil kayo po ang nag-critic sa kuha ko."

"Huh?" Nagulat si Ivy. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin siya sanay sa mga compliment na natatanggap niya mula sa ibang mga tao. Pakiramdam niya kasi ay normal lang siyang tao. Na laging nakatapak ang mga paa sa lupa at nakatira sa hindi fully furnished na bahay.

"Nako Miss Ivy. Kayo po ang inspiration ko sa pagkuha ng mga photos nato. Kaya nga po nung nakuha ako dito na interns eh laking tuwa ko dahil makikita kopo kayo at makakatrabaho." Tinignan ni Ivy ang tarheta na nakalagay sa blusa ng dalaga. "Nako Brigitte kung maka admire ka naman diyan. Pareho lang tayo. Saka salamat pala sa compliment."

"Nako tama nayan! Ikaw Brigitte. Puntahan mo so Donald at kung bakit ang tagal-tagal duon sa production room. Nakakaloka!" Biglang dumating si Sandra na nakataas ang kilay. Para ito ngayong isang leyon na kakain na isang malaking usa. Pagkatapos nun ay umalis na si Brigitte at nagpunta na ng production room.

"Grabe ka naman sa interns. Daig mopa yung boss natin."

"Ganun talaga ang mga arrive friend. Ang hirap kasi sa mga ganyang mga bago eh mahilig makipag close sa sikat."

"Huh! sinong sikat?"

"Echoz ka talaga eh no!" Well maiba tayo. Bakit mukang napaka happy yata ng arrived mo ngayon. blooming na blooming ang lola mo? Anong nangyari?"

Namula si Ivy. "Anong blooming hindi kaya?" Inayos niya kunyari ang kanyang buhok. 

"Sige mag echoz kapa diyan! ano ngang meron. May boyfriend kana no?"

"Well. Secret, walang clue."

Kinurot siya ni Sandar sa tagiliran. "Ang harot mo talaga friend. Ano na nga!? Kakaiba kasi yung arrive mo ngayon eh. Kumikinang yang mga mata mo."

"Oo na meron na." Napaamin ito sa sobrang kulit ng kaibigan.

"Really! Sino si Tales?" Hindi sumagot si Ivy instead ay pinuntahan nito ang isang mannequin na naroon at inayos ang sumbrero nito sa ulo. "Oy ano ba? Tignan moto kinakausap eh. Sino nga?" Pinuntahan siya ni Sandra sa harapan nito.

"Oo na si Tales na."

"Nako friend kailangang ipa-party natin yang pag boboyfriend mo. Ano? Saka nako tamang tama. Birthday ni Donald. Magpapakain daw si loko. Mukang nauntog yata ang ulo. Ano friend?" 

"Ehh ano eh. Baka hindi ako pwede. Saka marami akong gagawing project. Alam mo namang natabunan ako diba?"

"Nako makakapag hintay yan friend. Saka kung may gagawin kaman mamayang gabi eh. Please i cancel mo muna. Ano? Sige na."

Midnight CovenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon