•♡Nobyembre 1, sa taong kasalukuyan...
Pag mulat ng mata bubong at kisame agad ng bahay ang aking nakita. Dali dali akong nag unat unat ng katawan at lumabas ng kwarto, nadatnan ko ang aking Lola sa kusina't nag hihiwa ng rekados para sa pansit natanaw ko na rin ang ilan sa mga shanghai na bagong luto sa lamesa. "O gising kana pala, sige na mag-asikaso na't anong petsa na." Bilin ni Lola ng ako'y nadatnan niya.
Bumalik ako sa sala at nakita ko ang aking pinsan na nagsusuklay ng basa pa niyang buhok. "Oh? Kakagising mo lang ano? Mag gayak kana at aalis na tayo maya maya." Sabi niya na sinagot ko naman ng isang ngiti.
30 minutos sa banyo't eto na ako ngayon sa loob ng sasakyan na bumabyahe sa kung saan katabi ang isa sa aking mga kapatid at nakikinig lamang sa usapan ng mga kamag anak sa palagid.
Ilang taon na rin pala ang nag daan, ngayo'y amin na naman itong babalikan....
Nobyembre 1, taong nag daan... (2000)
Isang matinis na boses at iyak ng isang batang babae na bagong silang ang maririnig sa isang maliit na bahay sa San Miguel Bulacan.
Araw ng Miyerkules ala-una ng madaling araw, nag mulat ng mata ang musmos na batang bagong silang. Malulusog na pangangatawan ang mamamalayan sa musmos kasabay ng malakas at walang tigil nitong ngaw-ngaw tila ba sabik na sabik na masilayan ang mundo. Lahat ng nasa paligid na kanina lamang ay makikitaan ng pag aalala ay may galak at pagbati na ngayong tinutunghay.
Lahat ay nasiyahan at nagalak sa balitang naisilang na ang pangatlong miyembro ng pamilya.
Mayroon ito mga malulusog na braso at binti na kay sarap pisilin at kurutin...
Mayroon rin itong bilogang mukha na kay sarap nga namang pagmasdan at lamutakin ang pisngi...
At ang mga mata nito'y nakakahalinang pagmasdan sa kadahilanang ipinapakita nito ang inosenteng mata ng musmos na bagong mulat sa mundong kanyang gagalawan.
Nobyembre 1, taong kasalukuyan
Nakarating na kami sa aming paroroonan at heto ako ngayon nakatunghay sa tanawing nagpapasaya at nagpapasikip sa aking kalooban.
Kasama ang buong angkan ng aking pamilya sama sama kaming pumarito upang pagsaluhan at ipagdiwang ang isang okasyon, okasyon na isang beses lamang magaganap sa loob ng isang taon. Nakahanda na ang mga pagkaing hinanda ng aking Lola gaya ng pansit, adobong baboy at manok, lumpiang shanghai, at tinapay sa malamig na simento. Naka-hilera na rin ang mga pinsan at kapatid ko kasalungat sa aking direksyon.. habang ako'y nananatiling nakatunghay sa parihabang semento na nasa aking harapan kasabay ng maingay na pagbati at mga kanta ng aking pamilya ay ang pag sindi ng isang kandila..
"Happy Birthday to you...
Happy Birthday to you...
Happy Birthday...
Happy Birthday...
Hindi ko na namalayan na nasa harap ko na pala ang aking kuya at hawak hawak naman niya ang isa sa mga pagkaing hindi mawawala sa isang okasyon lalong lalo na sa isang kaarawan- ito'y walang iba kundi isang Cake.
BINABASA MO ANG
Mi Adventura Para sa Ekonomiya
RandomAng librong ito ay naglalaman ng aking pang araw araw na pakikipag sapalaran, pakikipag kapwa tao, pang araw araw na buhay at mga kalokohan, in short talaan po ito ng mga madrama-rama sa umagang pamumuhay ng isang dilag na nag ngangalang... Itago nl...