Isang tahimik at nakakabagot na mundo.
Sa pagputok ng araw, nang una kong masilayan ang mundong ito, namulat na ang aking isipan. Nakakawili man pag masdan ang buhay ng mga tao sa aking paligid, hindi ko mapigilang isipin kung paano nila nakamit ang kanilang mga tagumpay, na minsan ay nais ko ring maabot, na kung minsan ay nais ko ring maranasan. Kahit isang araw lang?
Natutok na ang aking buhay sa pag aaral. Malaki ang inaasahan sa akin ng aking mga magulang. “Dapat ay maabot mo ito! Dapat ay magawa mo ito! Make us proud!” kahit minsan ay hindi nila tinanong sa akin kung ano ang gusto kong gawin. Sa pagtakbo ng panahon ang sarili ko’y napagod, hindi na kaya, kailangan ko nang huminto kundi mawawala na akong lubusan.
Minsan, ay nahulog na ako sa walang hanganang kadiliman subalit biglang naglaho ito. Niyakap ako ng liwanag. At sa dulo ng aking mata ay mga puting silweta na unti unting nagiging makulay. Nanlaki ang aking mga mata. Noong biyernes na iyon, nabigyang buhay ulit ang nagreta-retasong ala-ala. Kasabay ng paglaho ng aking kalunos-lunos na panaghoy, nagliparan ang mahigit isang daang guryon at saranggola, sa aking mga paa ay naglalaro ang makukulay na paru paro at tutubi, nadama ang dampi ng hanging sariwa’t malamig, at sa aking tainga ay tumugtog ang isang awit na matagal ko nang nakalimutan. Sumakit ang aking lalamunan, nais na sumigaw at umiyak muli, kumunot ang aking noo, subalit ako’y napapikit na lamang. Pinilit na ngumiti at yakapin, ang awit ng pagkabata, ang mga ala-ala ng aking storyang alam kong hindi ko na mararanasan muli.
- Inspirasyon.
Originally written by Hawlaine
Tagalog nosebleed :O
BINABASA MO ANG
Isang Daang Guryon
Short StoryAng pagkabata ay minsan lang natin mararanasan. Dapat, habang bata ay lasapin natin ang mga sandaling kasiyahan na alam nating hindi na maibabalik muli. Tara, sumama ka samin sa mundo ng pagsisisi.