Heartbeat 3

40 5 0
                                    



Lylia's Point of View

ANG SAKIT, sobrang sakit. Shit!

Tumigil ako sandali sa pagmamaneho. Sumigaw ako ng sumigaw. Sinuntok ko ang sarili ko, sinabunutan habang walang tigil sa pagtulo ang luha ko. Wala namang makakarinig sa akin kaya wala rin akong makakausap na makakaibsan sa sakit na nararamdaman ko. This is the time that I need a parent that will comfort me but the hell is, my mother was gone and my father is not by my side but with his bullshit businesses.

Sandali kong pinunasan ang mga luha ko gamit ang panyong binigay sa akin ng lalaki sa bar kanina. Pagkatapos ay wala sa sarili kong ibinulsa ang panyo.

Bakit ba hindi ko matanggap? Na niloko ako ni Franco? Hindi ko alam na aabot sa puntong lolokohin ako ng taong ginamit ko lang. Oo inaamin ko na I played with him para magpanggap na boyfriend ko pero noon iyon! Pakiramdam ko ako pa ang may kasalanan dahil I fall from him. Tama ang sinabi niya, na ako pa ang nahulog sa sarili kong laro. Ang tanga ko!

I continued driving. Hindi ko na alam kung saan ako papunta basta ang alam ko lang gusto kong mapag-isa. Magpapakalayo-layo muna ako basta kailangan kong mag-iisip muna, I want my heart to heal. Walang-wala ako ngayon at ewan ko ba kung bakit iyon ang naiisip ko. I feel betrayed, yes, and so my heart really aches like this. It is too much and I can't take this anymore. It feels like my heart is burning.

Patuloy lang ako sa paglandas sa isang diretsong daan. Ewan ko ba pero parang may ano na dinadala ako dito with no reasons. I feel that I'm safe if I'll go and find the end of this road.

It's dark, yes, but thanks for the lampposts everywhere and also the moon gives enough light for my way. Tahimik lang talaga kaya matatakot ka pero sa ngayon mas nangingibabaw ang nararamdaman ng puso ko matinding pighati.

As I made my way, bigla akong nakapansin ng kakaiba. Nilingon ko ang paligid at lalo ko lang napatunayan ang naiisip ko. It is the place. The place six years ago that break my heart into pieces. The place where the accident happened and killed my grandparents and shut my heart from sadness and hatred.

Hindi ko na lang pinansin ang daan at nagpatuloy sa pagmamaneho but the thing is, hindi ko kaya. Ngayon ay wala ng tigil sa pagtulo ang mga luha ko, mas marami kumpara kanina. The sadness is still here, I missed you Lolo and Lola. Hanggang sa hindi ko na napigilan, the memories six years ago.


* * * * *


"LYLIA KUMUHA ka pa rito marami pa."

Paalala ni Lola Esmeralda sa akin. Naaala kong labindalawang taong gulang pa lang ako ng panahong ito. Heto at kumakain ako kasama si Lolo Clint at Lola Esmeralda, sila ang mga magulang ni Mom.

"Binili ko pa sa kumpare ko ang mga hipong iyan na saktong-sakto talaga sa sinigang." Pagmamalaki ni Lolo Clint sa amin.

"Maraming salamat ho!" Taos-pusong pasasalamat ko at muling nagpatuloy sa pagkain.

"Ako nga ang dapat magpasalamat sa iyo apo." Panimula ni Lola Esmeralda. "Kasi bininisita mo kami ng Lolo mo dito sa isla namin tuwing wala kang klase. Sobra talaga along nasisiyahan tuwing makikita kita dahil nakikita ko rin sa iyo ang iyong ina." Pansin ko ang pagbabago ng emosyon ni Lola ng mabanggit niya si Mom.

"Laking galak din namin na kahit papaano ay ipinagkakatiwala ka ng iyong ama sa amin kahit na matanda na kami." Dagdag naman ni lolo. "Si Roger talaga inuna pa ang pagpapalago sa negosyo kaysa sa pamamahinga sana rito sa isla kasama ka apo."

Chasing HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon