pagibig.

30 2 0
                                    

pagibig.

ano bang ibig sabihin nito?
laro ba to?
bolahan ba to?
ano ba talaga to?

sagot: ang pagibig, isa yang commitment. pangako. pangako nyo sa isa't isa na kayo hanggang dulo. pangako nya sayo na hindi sya magbabago. pangako mo sa kanya na hindi ka magsasawa.

pano kung itong mga pangakong to ay nasira?

sagot: subukan nyong ayusin muli, subukan nyong buuin muli. subok lang ng subok pero kapag wala ng susubukan pa, bitaw na. sabi nga nila may oras na kailangan mong sumuko na lalo kapag wala ng saysay na lumaban pa, pero kapag kaya pa pero pagod kana, tama na.

ang pagibig mabait yan, hindi yan isang laro na kapag may isang natalo ay "game over" na. ang pagibig ay isang pangako, pangako mo sa taong mahal mo na sya lang ang iibigin mo, pangako mo sa sarili mo na tama ang taong minamahal mo.

walang talo sa laro ng pagibig, sadyang may mga tao lang talaga na mas pinipiling sumuko at wag ng ituloy ang laban, dahil baka sa kalagitnaan ng laban ay madapa sila at walang tumulong na itayo muli sila o kaya naman baka sa pagdating sa dulo akala mo ikaw ang panalo yun pala sa iba binigay ang premyo.

wag kang matakot sa pagibig, isa yan sa pinaka magandang parte ng buhay. oo masakit, pero sa bawat sakit na nararamdaman mo ay merong aral na matututunan.

pagibig.

pagibig.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon