2nd chance.

15 1 0
                                    

lahat ba deserving ng second chance?

HINDI.

hindi lahat ay deserving ng second chance, actually wala naman talagang deserving sa second chance eh, diba nga sabi nila YOU ONLY LIVE ONCE, so you only get a chance ONCE so don't blow it! pero ayun na nga, HINDI LAHAT ay karapat dapat sa second chance kasi kung mahal ka talaga nyan di ka niyan sasaktan--mali. Di yan gagawa ng mga bagay na alam niyang masasaktan ka.

PAIN is inevitable you guys! kaya wag nyong sabihin na "kung mahal ka talaga nyan di ka nyan sasaktan" THAT'S B-U-L-L-S-H-I-T! kaya ka nga nasasaktan kasi mahal mo yung tao eh, pero syempre kung mahal ka talaga, iiwasan nyang saktan ka, susubukan nyang hindi ka masaktan, gagawa yan ng paraan para manatili sayo, mag titiiis yan sa ugali mo.

kaya ko nasabi na HINDI LAHAT ay deserving sa second chance, kasi nga kung una palang nasaktan ka na nung tao eh bat bibigyan mo pa ulit ng pagkakataon na saktan ka ulit? kahit sabihin pa niya na hindi ka na niya ulit sasaktan, nagbago na siya, di ka na niya iiwan. Dapat di ka na ulit mag-pauto sa mga ganyang pangako, kasi diba nangako na siya non, anong nangyari? napako lang din.

look, hindi porket bumalik yung tao ay pagbibigyan mo. kahit pa sabihin natin na mahal mo pa siya at mahal ka pa niya, pinaghiwalay na kayo eh. tadhana na mismo ang naglalayo sa inyong dalawa. wag nyo ng kontrahin ang gusto ng tadhana para sa inyong dalawa, kasi kung kayo talaga edi kayo, eh kaso HINDI.

ito lang tandaan mo, hindi lahat ng taong umaalis ay bumabalik, at hindi lahat ng bumabalik ay binabalikan. okay na yung naging tanga ka sa kanya nung unang pagkakataon, pero wag mo ng hayaang maulit pa sa pangalawang pagkakataon. sapat na yung sakit na naramdaman mo nung iniwan ka niya, wag mo na ulit dagdagan pa.


dedicated to:Kawensss

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

pagibig.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon