katangahan.

20 0 2
                                    

bakit ang daming tanga sa pagibig?


kung iisipin natin bakit nga ba ang daming tanga sa pagibig? bakit patuloy pa rin silang umaasa kahit alam nila na walang pag asa? at bakit pilit nilang pinagpipilitan ang sarili nila sa taong may mahal nang iba? yan yung mga tanong na bumabalot sa aking isipan, nakakagigil diba? pero sa ngayon mag fofocus muna tayo sa KATANGAHAN.


KATANGAHAN - nagmula sa salitang ugat na "tanga" na may katulad na kahulugan gaya ng mangmang, inutil, bobo at iba pa. yan ang bagay na meron tayong lahat, pero mas marami nyan ay ang mga taong umiibig.


kaya nagiging tanga ang mga tao sa pagibig kasi patuloy silang umaasa na baka pwede pa, na baka naman may pag-asa pa kahit na ang totoo wala na. kaya sila nagiging tanga kasi ang hilig nilang ipilit ang mga bagay na imposible, tulad nalang na magugustuhan ka ng crush mo, mamahalin ka ulit ng taong nang-iwan sayo, may pag-asa pang ibalik ang dati at kung ano ano pa. 


ang KATANGAHAN, choice yan, desisyon mo yan kung magpapaka-tanga ka, kasi hindi naman pag nag mahal ka matik agad na magiging tanga ka. ang katangahan nilulugar yan, kasi wala namang masama sa pagiging tanga eh, basta alam mo kung yung katangahan mo ay nasa lugar pa ba o wala na. mahirap kasing magpaka-tanga kung alam mong wala namang madudulot na mabuti sayo, baka yang katangahan mo pa na yan ang  maging dahilan nang paglayo nya sayo, kasi hindi na siya komportable na pinipilit mo yung sarili mo sa kanya eh alam mo namang may mahal na siyang iba. 


pero bakit nga ba madaming tanga sa pagibig? kasi karamihan sa tao ngayon mapilit, gusto nila lahat ng gusto nila makukuha nila, eh pano kung yung gusto mong tao ay naka reserve na sa iba? pano kung yung gusto mong upuan ay taken na? mahirap kasi yun kapatid, kaya ka nagiging tanga sa pagibig kasi hilig mong ipilit. dapat kapag hindi puwede hindi puwede. kung hindi talaga kayo edi hindi kayo, wag mo kasing ipilit ang taong hindi naman naka tadhana para sayo. antayin mo lang na dumating yung tamang tao, yung tamang oras na meron ding naka reserve na tao para sayo. kasi mas magandang pagibig ang nagpapakatanga sayo at hindi ikaw ang nagpapakatanga sa pagibig. ganun yon!

pagibig.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon