Nakakainis Ka! (one-shot)

779 40 36
                                    

~ImMrKiddoKing~

Nakakainis ka! [oneshot]

© Produkto ng aking makulit ng kaisipan at ka-adikan. 2O12’

Xxx – xxX Xxx – xxX Xxx – xxX Xxx – xxX Xxx – xxX Xxx – xxX

“GAME NA!!” sabi ng isang kaibigan ko na sabik na sabik maglaro ng Spin the Bottle, habang nandito naman ako sa kanyang tabi at di alam ang gagawin, ayaw ko atang sumali pero baka sabihan nila ako ng KJ. Lahat naman ay umupo ng maayos at nag-indian seat, lahat kasi dapat ay kasali.

“Teka lang! Ung mukha ni, Klifford mukhang ewan na natatae.” Biglang bulyaw nung si Enrico, isa sa mga palagi kong nakakasama dito sa school, bigla akong namula, mukha ba akong natatae? Ewan. Bigla ko namang narinig ang mahinang pagtawa ng mga babae.

“Hayaan niyo na, gwapo pa din naman!” sigaw ni Michaela, ung babaeng makulit at kwela, na sobrang isip bata. Napangiti naman ako dun sa sinabi niya. “Oo nga!!” pagsang-ayon nung iba.

“O siya! Game na nga.”

Pinanood naming lahat ang pag-ikot ng bote, lahat kami ay kinakabahan, lahat ay tensyunado, di alam ang gagawin, nagpapawis, natatae, naiiyak at namamatay. Pero siyempre joke lang. Hindi ko mawari ang kanilang mga mukha, hindi ko maintindihan. Mukhang ewan kasi e.

*Tik.* Biglang tumigil sa pag-ikot ang bote at sabay sabay naming sinundan kung saan ito nakaturo.

“BAM! Christelle, Kaya mo yan!” sabi nung mga kaibigan niya.

“Okay, iikot na yan para malaman natin ang magtatanong!!” sigaw naman ulit ni Giovani.

*PAK!* “Bakit ba ang lakas lakas ng boses mo pero ang liit mong tao!?” biglang suway sa kanya ni Nathania.

“Pake mo ba!!!” sigaw ulit niya.

“Ewan ko sa’yo!!”

“Oi, ang ingay ah.” Ganyan kasi talaga ang mga yan, kung mag-bangayan parang wala ng bukas.

“Sige na, iikot niyo na lang.” mahinhing sabi ni Ritz, ang vice president.

Kung kanina’y lahat magka-pawis pawis na ang mukha, ngayon naman lahat na ay sabik na sabik. “AKO!” “AKO! AKO!! SAKIN KA TUMAPAT!!” sigaw ng mga lalakeng nag-aagawan para matanong nga si Christelle, madami naman kasing nagkaka-gusto diyan e.

*Tik.* bigla namang nagulat ang lahat nung tumapat ung bote sakin, bakit? Anong gagawin ko? Magtatanong lang naman e.

“AWWW, DAPAT SAKIN KA TUMAPAT!!” merong mga nalungkot dahil di sa kanila tumapat, Asus. Pwede pa namang umulit. Tumayo na lang ako ng ayos para maharap si Christelle.

“TRUTH OR DARE?” tanong nila sa kanya.

Meron namang maririnig mo ng lakas ang “TRUTH!!” meron din ang “DARE!!” tila nabalot na ng sigaw ang klase.  Truth, sigaw naman ng isip ko, madali lang naman yan e, kung tutuusin, very common na pag-truth. Tch, naiisip niyo ba naiisip ko? Malamang hindi.

“Truth!” sigaw niya, hindi mo naman kasi maririnig talaga e, ang ingay kasi nung iba.

“Oh! Wag na patagalin pa! TANONG!!” Eksayted talaga tong mga ‘to, Oo.

“Sino ang crush mo?” tanong ko. Yan naman palagi ang dapat i-tanong! Hahaha. Wala kasi akong maisip na ibang tanong e. “WOOOOO!” Meron diyang naghihiyawan. “HAHAHA!” at ung mga wagas tumawang kaibigan niya, di ko alam kung bakit siya namula pero bago niya sabihin kung sino ang crush niya bigla muna siyang yumuko, maganda pala siya kung tutuusin. Pero siyempre, di ko siya crush!!!

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon