Opposites Ch. 11

121 3 0
                                    

Ch.11

Primavera

After namin manood ay siya naman ang nanlibre ng kakainin namin. Sabi ko nga split na lang namin ang bill pero di siya pumayag.

"Hatid na kita sa inyo? I have a car," alok niya na agad kong tinanggihan.

"Nako wag na, nilibre mo na nga ako at sinamahan manood ng sine e. Thank you ulit sa araw na ito ah. Oh and peace of advice ngiti-ngiti din ah nakakatakot kaya yung tingin mo, gwapo mo din pag ngumingiti sayang genes ng parents mo uy," napatawa naman siya.

Ang saya talaga sa feeling mag bigay sigla sa mga tao. Mag-trabaho na kaya ako sa Jollibee? Jokes lang, hayst ang korny ko talaga. Sakit na ito.

"I'll keep that in mind, oh and before I forgot ano nga ulit pangalan mo?" Tanong niya.

Hala oo nga! Ano ba yan!

"Ay, ako nga pala si Primavera Lauren Villamar, wag kang ano kahit ganyan pangalan ko mahirap lang ako. Pero next time na natin pagusapan ang buhay ko dahil malapit na ako lumagpas sa curfew ko. Sige na bye bye!" Paalam ko bago kumaway.

"Ingat," sabi naman niya, tumalikod na ako at nagsimulang tumakbo para pumara ng taxi.

^°^bahay^°^

"Kamuntik muntikan ka ng lumagpas sa curfew mo Prima,"napakamot na lang ako sa batok sa bungad sa akin ni mama.

"Traffic po kasi," dahilan ko naman.

"Oh sige na magbihis ka na," agad naman ako tumakbo sa kwarto ko pero agad din napabalik.

"Ma, umuwi ba si kuya?" Tanong ko.

"Alamin mo na lang suskopo, lahat na lang talaga itatanong mo," napailing na lang ako sa sinabi ni mama, si mama talaga..

Kumatok muna ako sa kwarto ni kuya bago pumasok. At tama nga ako nandito si kuya, at dalawa pa sila ah. Anong meron? E halos ikulong nila mga sarili nila sa kaniya kaniyang apartment.

"Ano meron at napauwi kayo?" Tanong ko sa kanila.

Nagtanggal ng earphones si Kuya Primo at nagtanggal naman ng headphones si Kuya Luis. Aish, mga music lover slash gamers nga pala ang mga ito. Alala ko dati todo ipon sila e para makabili niyan, sariling kayod.

"Prima!! Namiss ka namin!" Agad naman nila ako dinambahan ng yakap.

Pero agad din silang napahiwalay.

"Bakit ka amoy pabango ng lalaki?" Sabay na tanong nila, haluh ano sila kambal?

Kumapit na siguro sa akin yung pabango ni Zaire noong nasa sinehan kami. Pati dahil nga feeling close ako humingi ako sa pabango niya, tinawanan pa nga ako noon e.

"At bakit di ka hinatid nila Agnes?" Tanong naman ni Kuya Luis.

"Kasi una sa lahat di naman si Agnes yung kasama ko. Inindian ako e, ang kasama ko si Zaire--" di ko na natuloy ang sinasabi ko ng sumigaw silang dalawa.

"SINONG ZAIRE?! YUNG LALAKI MO?!" Napapikit na lang ako bago sila pinaghahampas ng unan.

Aish! Di parin talaga nila makalimutan ang tungkol sa lalaki kong yan. Paano ba naman ang sasabihin ko sana lalaki kong kaibigan kaya lang nabulol ako kaya napahinto ako sa lalaki ko kaya ayun inaasar na nila ako since then.

"Name," sabi ni Kuya Primo habang nakaupo na sa harap ng laptop niya.

"Zaire Pierce Mercadejas," alam ko naman kasing di nila ako titigilan e.

"Hala boi! Tignan mo yung lalaki ni bunso," napairap na lang ako ayan na naman sila.

"Wow bunso ah, sa mukha mong yan nakapingwit ka ng isang kayamanan," agad ko naman hinampas si Kuya Luis, aba't!

"Ay bahala kayo sa buhay niyo, basta don't do anything weird ah, tsk," singhal ko bago lumabas ng kwarto nila.

Alam ko namna na wala silang gagawin dahil masyado silang busy sa mga love life nila, alangan problemahin at pakialaman pa nila ang love life ko.

OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon