Opposites Ch. 39

116 2 1
                                    

Ch. 39

Primavera

Nagulat na lang ako kaninang umaga ng may pumunta sa bahay na nagngangalang Celly. Pinadala daw siya ni Zaire para ayusan ako. Shemay, ganito talaga yung ngyayari sa wattpad my god! Panigurado may childhood kuno din doon!

Ilang oras kami nahirapang maghanap ng damit nababagay sa akin. Masyado daw kasi akong maganda, charot ahaha. Asa naman ako diba!

So ayun na nga, nagsettle kami sa isang white gown. Bali pa-cross siya sa top with a highwaist silver belt, bagsak din siya so bale medyo mukha akong matangkad dahil sa heels. Nakaloose bun ang buhok ko kaya may mga malayang hibla ng buhok ko, ang elegante ko tignan shemay tapos may pa crown pa!

Pinasundo naman ako ni Zaire sa driver niya, may driver naman pala siya sadyang gusto niya lang magamit ang licence niya. Sabagay sayang din diba.

Nandito na ako ngayon sa entrance. Huminga ako ng malalim bago ngumiti. Shemay kaya ko ito! I don't belong here but this is the world of the guy I love. Fighting!

Maya-maya naman ay nakita ko na si Zaire, shemay ang gwapo niya! May ikag-gwapo pa pala ang boyfriend ko! First time ko siya makitang naka formal in the flesh, aba syempre stinalk ko siya crush ko yan e ahaha.

Lalapitan ko na sana siya kung di niya lang ako nilapitan at hinalikan ang kamay ko. May pa-bow pa ang loko. Gulat na gulat mga tao e, pero di ko na sila pinansin.

He lead me to the center, where couples were dancing. Buti na lang tinuruan ako ni Agnes kahit papaano noong highschool kung hindi nganga ako. Di pa naman wattpad ang buhay ko na magaling na agad sumayaw.

"I think Celly did too much," seryosong sabi niya sa akin kaya naman napatawa ako.

"Masyadong maganda ako noh! Aminin," sabi ko naman, ngumiti naman siya shemay paano kita maaasar kung ganyan ka!

"Yeah, you look beautiful. Even though you have a cold and with your crossed brows and even with your hair like a replica of Einstein's you'll still look beautiful," namula naman ako sa sinabi niya, teka dudugo na ata yung ilong ko ahaha pero bakit parang iniinsulto niya ako sa replica daw ng buhok ni Einstein?

"Hmph! Bolero ka, kanino mo naman yan natutunan attorney?" Shemay sasabog na ata puso ko.

"Kay Eve at Noah. Is it too cheesy? I'll smack those two at the back of their heads for the humiliation," I then laughed at his reaction, god he looks cute with his ears red.

Shemay! Napa-english tuloy ako! Nakakahawa my god ahaha.

After namin sumayaw ay pumunta kami sa table kung na saan nandoon si Ate Zafrie. Aha! Sabi na nga ba at may babae dito e! Tinigilan ko ng tingin yung nakanavy blue, hmph! Nginitian ko siya dahil mabait ako, unfairness ngumiti din pabalik kaso lang...ang fake niya e.

"Zaire may we know who this young lady is?" Tanong noong papa ni Zaire, mas nauna silang tumigil sa pagsayaw kesa sa amin.

At syempre nalaman kong siya ang papa ni Zaire dahil old version siya ni Zaire. Pareho silang gwapo ah! Magandang lahi!

"She's my girlfriend dad," napangiti naman ako habang gulat na gulat sila, syempre maliban kay Ate Zafrie at Kuya Zafer.

Nagkaroon din kasi kami ng meet up, ang cute nga nila e kambal. Si mama gustong gusto ng kambal kaya lang di naman daw kami mayaman kaya wag na lang daw ahaha.

"Zai, is your phobia lifted?" Ay grabe si Ate girl di man lang tinago, nakatingin siya sa braso ni Zaire na nakapulupot sa bewang ko.

I think kailangan kong ipamukha sa kaniya ang posisyon ko dito.

^°^memory^°^

"No one calls Zaire, Pierce. For some unknown reason ayaw niya noon, maybe you both have the same case." -Ate Zafrie

^°^end of memory^°^

"Pierce is getting better. The name's Primavera Lauren Villamar by the way. I'm from the med department," nakangiting pakilala ko.

Nakita ko namang ngumisi si Zaire, aha! Yiets ba't ako yung kinikilig? Ahaha.

OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon