Chapter 2: Samuel

20 1 2
                                    

Ako si Samuel. Incoming first year college sa isang kilalang state university sa manila. Accountancy ang course ko. Ibang-iba ang environment kapag college ka na. Pahirapan sa pag gising sa umaga dahil malayo ang byahe, mainit, mausok at siksikan.

First day na first day late ako nagising. Nakikitira lang ako dito sa bahay ng tita ko kasi malayo masyado ang bahay namin mula sa school na papasukan ko. Binibigyan naman ako ni mama ng allowance kaya ok lang na makitira muna ako kina tita. "Iho, diba 9 ang klase mo ngayon? Anung oras na oh babyahe ka pa malelate ka na nyan." "Oo nga po tita eh sige po alis na po ako." At ayun tumakbo na ako ng mabilis para lang maabutan ko yung klase ko. Sumakay na ako ng jeep tapos sunakay din ako sa LRT 1. Hingal na hingal na ako ng makarating ako sa LRT 2. Buti na lang at may nakita akong upuan kaya nakaupo muna ako saglit. May babaeng nainis ata sa akin dahil inunahan ko siya sa upuan. Accountancy student din siya kasi halos magkapareho kami ng uniform. Nung nasa Pureza na ako, lumabas na rin siya kaya mukang pareho kami ng school na papasukan. Kaso nalaglag niya yung registration card niya kaya hinabol ko siya kaso sa kasamaang palad hindi ko siya naabutan. Joan ang pangalan niya. Ng tinignan ko yung section niya sa regi card nakita ko na kaklase ko pala siya kaya naisip ko mamaya ko na lang ibibigay.

Ayun swerte. Nakarating na ako ng room ng wala pa yung prof ko. Ang daming tao pero tahimik. Hindi kagaya nung high school na maingay, masaya. Pero kung sa bagay first day pa lang naman kaya siguro ganito. Pumunta na agad ako sa may likuran. Awkward pa ng feeling kasi hindi pa kayo magkakakilala. Panay tingin ko naman sa bintana kung nandyan na ba yung babaeng nakaiwan ng regi card kanina. Maya maya ay dumating na yung prof ko at wala pa rin siya. Naligaw siguro siya kasi hindi niya alam kung nasan yung room namin. At nagstart na yung introduction namin sa isa't-isa at nagturo na agad yung prof ko. Habang nagtuturo siya ay inaantay ko pa rin siya. Panay ang tingin ko sa bintana ngunit wala pa ring dumarating.

Itutuloy.

Don't forget to Vote and Comment.

2014. All Rights Reserved. No part of this publication may be reproduced or transmitted in any form or any means without written permission from the author.

POREBER N' EBERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon