Simula ng Pangbubulas

6 0 0
                                    

Karatisuka's POV

Pumasok ako na walang uniform, sibilyan lang. Mahiyain ako nun kasi ikaw ba naman unang pagpasok mo makikita mo mukhang rich kid ang mga kaklase samantalang ikaw galing sa ordinaryong life.
Nakakahiya dahil late pa ako nun, siyempre tamang rampa lang sa unahan. Nung lumingon ako sa kanan nakita ko na ang  maamo't nakakabighaning mukha niya. Siya si  Helianara. First impression ko palang ay crush siya ng sangkatauhan. Pagtingin ko naman sa upuan na bakante pansin ko ang katabi nito, isang mukhang mayabang na pisteng yawa kung makatinginnkala mo naman inihulog ng Korea para maging Hearthrob amp. laang. Nakita ko ang name tag niya, si Skeptic Bautista siya. Mukha siyang mayaman, at walang kinakatakutan. Sarap kaya batukan ng ganyan feeling naman gwapo hanep.
Pumunta agad ako sa bakanteng silya at nakipagplastican ng ngiti sa nga katabi ko. Pagupo ko palang pangalan ko na ang nasambit ng bading kong titser. "Karatina Aguas! Introduc yourself." Pumunta naman ako. Wala kasing no choice. Nilakasan ko loob ko kahit di ko mapigilan mautal.
"Gggood-good morning everyone!" pasigaw kong nasabi. Nagulat ako nang tumayo yung piste na Skeptic na yun. "Sir may I go out, naiihi ako sa mukha niyan eh!" —sigaw niya na nakabulabog sa katahimikan ng klase.

Your Bully Lover: Love, Skeptic BautistaWhere stories live. Discover now