__________________________________________________________
Pagkatapos ng klase ko, tulala parin ako. Dahil sa nangyari kanina, grabe? Napa-OO talaga agad ako nun? Hindi kaya na hynotize lang ako ng mokong na yon? Jusmiyo.
Pagkalabas ko ng room. Naglalakad ako ng biglang may humigit sa'kin.
Pagtingin ko, si Arisse! Ang matalik kong kaibigan na para ko na ding kapatid.
"Ate girl! Anong nangyari? Bakit parang wala ka sa sarili mo?" Sabi nya habang hinahawakhawakan pa ang mukha ko.
"Wala naman.." Sabi ko at naglakad na kami. Habang naglalakad kami nakita ko yung barkada ni Daniel na nakatingin sakin at nakangiti. Sabay sabay pa sila nag wave upang mag bye. Inirapan ko nalang sila.
"Sure kaba?" She asked in which I nodded.
"Sasabay ka ba ngayon?" tanong nya. Kaso nakita ko na agad na tumigil si Daniel sa paglalakad at pinagmasdan akong mabuti.
"Hindi, may gagawin lang kami ng ka group ko." I told her and look away.
"You know what, you're pretty. But not good in lying, C'mon.. san ka pupunta?" sabi nya, kilala nya talaga ako.
"Ahh wala nga.. Sige na, go kana! May pupuntahan lang talaga ako. I'll text you, promise!'' Sabi ko at naglakad na agad. Pagkadaan ko sa may harap ni daniel, hinila nya agad ang kamay ko at inakbayan ako.
Tinignan ko sya. Napakatangkad naman nya. Nakakainis naka heels na nga ako, feeling ko unano parin ako.
Tumaas ang sulok ng labi nya. "Marunong ka naman pala sumundo sa usapan eh, baby girl." Sabi nya at hinila pa ako lalo palapit sa tabi nya.
"Baka kasi mag eskandalo ka, mahirap na. Bestfriend ko yun!" sabi ko. Papunta na kami ng Canteen.
"Wala naman akong gagawin, unless ikaw ang may gawin na ikakasama mo." Sabi nya at hinila ang isang upuan para makaupo na akoo. Umupo ako at napansin ko na puro lalaki pala ang kasama ko. Mga barkada nya pala. Wala ba silang mga girlfriend? Sayang, puro pa naman sila may itsura.
"Mga bro." sabi ni Daniel. Umupo na sya. Naramdaman kong parang naiihi ako.
Aalis na sana ako ng hawakan ni Daniel ang braso ko, "Saan ka pupunta?" Shit! sasabog na ako! Ang pangit naman tignan kung hawakan ko ang skirt ko ngayon para lang mapigil. Gosh! Daniel. ..
"A-ahh! CR lang! Balik ako! Bye!" sabi ko at nagtatakbo na papunta sa CR.
Pagkatapos ko mag CR, lumabas na ako. Sakto, nakita ko yung nerd na lalaki na kaklase ko, matanong nga ang assignment.
"Uy! Lawrence! Uy!" ano ba to? Ayaw tumingin? At mukhang natatakot pa sakin? Bakit ba? Mukha ba akong tigre pag nantatawag?
Hinabol ko sya at hinawakan sa braso.. grabe. Hiningal ako dun ah.
"Uy Lawrence! May itatanong lang sana ako." sabi ko. Habang hinahabol parin ang hininga ko.
"A-ano ba yon?" HIndi ko alam kung nahihiya or natatakot sya sa akin. Pero close naman kami, lagi ko kaya syang tinatanongan.
"May assignment ba?" tanong ko.
"Ahh sa Science ba? W-wala! Sige bye!" tatakbo na sana ulit sya, pero hinawakan ko ulit sya.
"May problema ba?" tanong ko.
"Aah kasi. hindi mo ba alam yung nakalat na balita?" tanong nya at tingin ng tingin sa paligid.
Napansin kong madami na ang naka tingin sa paligid. Naririnig ko na rin ang mga bulung-bulungan.
"Hala, ang kapal ng mukha lumapit ng nerd nayan."
"Patay yan kay Daniel.."
"Yeah Right girl, swerte ni Kath sa kanya."
"Grabe bro! Ang ganda ni Kath. Sayang."
"Kaya nga.."
"Ano? Lapitan natin? Nalapitan ng nerd eh!"
"Bro, madaming ibang babae dyan, mahal ko ang katawan at mukha ko!"
Ano daw? Hindi ko na sila gets eh?
"Ano ba yon?" tanong ko kay Lawrence.
"B-bawal ka na kasi lapitan, pinagbawalan kasi nung grupo nung Padilla. Ang lalapit sayo o hawakan o kausapin ka eh, mabubugbug. Kath, please wag mo akong isumbong! Sige bye na, mukhang madaming magsu-sumbong! B-b-Bye!" sigaw nya at nagmadali na maglakad.
Huh? Bawal na? No more freedom? Because of that Daniel?
Nakakabadtrip sya, aiish!
Padabog akong nagpunta ulit sa Canteen, kahit pa gusto kong puntahan sina Dom ngayon. May awa parin ako, mukhang sa katawan ng grupo ni Daniel.
Pagpunta ko sa place ng table nina Daniel.. Pumunta ako sa may tabi ng chair nya. Circle yung table. 6 lang ang upuan, at parang lahat ng babae ay kanina pa sila pinagmamasdan.
Nagpa-simangot ako. Bakit hindi kayo ang tumabi?
"Oh? Babe? Ano problema mo?" sabi nya.
Nakakabadtrip to ah! Aalis nalang ako. Bahala sya! Eh kakatalikod ko palang, hinigit na agad ako!
"Saan ka nanaman pupunta?" tanong nya.
"Sa lugar kung saan malayo sayo!" Sabi ko at agad tumalikod.
Ngunit hindi ko namalayan na hinigit na pala nya ang kamay ko at niyakap ako.
"Hindi yun pwede, kasi kung nasan ka, dapat nandun din ako e. Kaya sige na, umupo ka na."
_____________________
Edited & Revised 011516
BINABASA MO ANG
My Possessive Padilla.
FanfictionWhat happens when you found out that your parents have decided to arrange you in a marriage? Worse come to worse because your parents decided to pair you up with your ex best friend? Moreover, shit just got real because he came back all the way fro...