Chapter 4.

22.5K 202 30
                                    

"Bro. Anong ginagawa mo sa kanya?" Narinig ko ang boses ni Marco sa di kalayuan. Nagulat ako, hala! Wrong timing. 

"Pre, ano bang pakielam mo?" sambit ni Daniel note: With nakakatakot na tone. Waaah! 

"Ako? Anong pakielam ko? Eh ano bang ginagawa mo sa kaibigan ko? Kung ano anong ginagawa mo dyan eh nasa gitna kayo ng cafeteria?" sabi ni Marco.

"Wala akong ginagawa! Nakita mo naman diba? Wala pa?" Ano? Pa? Ano bang pinagsasabi nito? Gusto ata talaga nito ng away eh!

Tinignan ko yung mga kabigan nya at mukhang masaya pa sa nangyayare.

Kumunot ang noo ko at tinaasan sila lahat ng kilay. Mukhang napansin ako ni Seth at sinenyasan mga kaibigan nya lapitan si Dj. 

Pagkalapit nila kay Dj sakto naman na kinwelyuhan ni Daniel si Marco. 

Fuck! Ano bang nangnyare?

"Shit!" sabi ko at agad na gumitna sa kanila. 

"Ano ba! Tumigil nga kayo! Ang dami nang nakatingin oh!" sabi ko pinaghihiwalay sila.

"Pagsabihan mo nga yang kaibigan na alamin ang lugar nya! Pati yung akin, gusto nya din galawin eh! Di makontento sa isa!" sabi ni Daniel at umambang lalapitan pa lalo si Marco. 

Huminga ako ng malalim. Kahit hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni Daniel ay isa lang ang alam kong dapat kong gawin. 

Hinawakan ko ang kamay ni Daniel at sinubukang hilahin sya.

"Sige na Marco, ako nang bahala. Mauna kana. Magkita nalang tayo mamayang labasan." Sabi ko sa kanya at nginitian sya. 

"Anong labasan? Walang pagkikitang mangyayare! Tayo na ang magkasama lagi simula ngayon! Kaya ikaw? Pwede ka ng umalis! Di ka namin kailngan." Sabi nya sa pirming tono at boses at inilagay ang kanyang kamay sa bewang ko. 

Huminga ako ng malalim at nag mouth words kay Marco ng, "I'll text you." sabi ko. 

Tumango lang si Marco at tinignan ng masama si Daniel bago umalis. 

Umirap nalang si Daniel at hinila ako pabalik sa table namin, sinundan naman kami ng mga kaibigan nya.

Mga kabigan nyang walang kwenta na parang audience lang kanina. 

Ako pang babae ang gumawa ng paraan para tumigil ang nangyayare. 

Kung hindi natigil ano nalang? 

Gulo?

Baka ano pa mangyare kay Daniel. 

At kay Marco. 

Ako pa ang masisi. 

Pagkaupo namin sa upuan ay binagsak ni Daniel ang kanyang bag at nilagay ang kamay nya sa likod ng upuan ko na nakakunot ang noo. 

Napairap nalang ako at tinanong sya. "Ano? Kakain kaba?"

"Malamang." sabi nya. 

Nagiinit ang dugo ko, sya na nga tong mali. Partly, pero mali parin sya!

Napakababaw ng dahilan pinapalaki nya ang issue. 

"Sige ako na lang ang bibili." Sabi ko at akmang tatayo na ng hawakan nya ang kamay ko. 

"Hindi. Seth, ibili mo kami ng pagkain. Pasta and bread, okay na yun." sabi niya at mukhang napahigpit na ang hawak nya sa kamay ko. 

"Uuhmm..." sabi ni Seth.

"Carbonara yung pasta Seth, sige na bili kana." sabi ko at nginitian sya. 

"Tulungan nyo naman si Seth." sabi ko sa iba pa nyang kaibigan at sana magets nila ang gustong kong ipahiwatig sa kanla. Gusto ko mapagisa kaming dalawa. Kailangan nila magusap. 

Tumango naman sila at sabay sabay na tumayo. 

Nang makaalis na sila ay hinarap ko si Daniel. 

"So, ano yun? Bakit mo sya pinatulan?" sabi ko sa kanya at hinarap ang mukha nya sa kin. 


Edited & Revised 011516


My Possessive Padilla.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon