Meron akong ibabahaging kwento sa inyo ito ay hango sa totoong kong karanasan
maniwala man kayo o sa hindi.
ang pangalan ko ay Allan Valdez nakatira kami ng Pamilya ko sa Gilid ng Dagat sa Misamis Oriental
ang tanging nag bibigay ng aming kabuhayan ay ang pangingisda
hindi na ako naka pag tapos ng pag aaral dahil inilaan ko na sa pag tatrabaho at para mapag aral ng high school ang naka babata kong kapatid na babae.
isang gabi, kakabalik lang namin galing sa pangingisda ng umalis muna ang ama ko, para may kunin saglit
ako ang na iwan sa aming bangka para bantayan ang aming mga isdang na huli
ako lang ang tao dito sa gilid ng dagat
habang hinaantay ko si ama na bumalik
may nakita akong babae, na dumaan sa akin napaka puti nito at napakaganda, maputi rin ang kanyang mataas na damit na parang hindi na dudumihan
nag niningning talaga ang kanyang kaputian ng dahil sa liwanag ng malaking buwan
at puti rin ang kanyang mataas na buhok naka paa at matangkad ang babae
tinitingnan ko siya ng nagulat ako kay ama dahil hinampas nita ang balikat ko
"hoy! Allan?! napano ka?"sabi ni ama sa akin
"nakita mo ba ang babaeng yon ama?" ngunit ng aking nilingon uli ang babae, nawala na ito
"anong babae? e wala naman"
"merong babae na dumaan kanina, hindi mo ba yun nakita? nakaputi lahat?"
"hahahahaha! baka ina antok kana anak ko, hali kana, tapusin na natin to, upang maka pag pahinga na tayo"
hindi ko nalang kinulit si ama, upang maka pag pahinga narin kami, pagod narin kasi ako
ginawa ko rin ang trabaho ko, at naka uwi rin kami ng alas unsi ng gabi
nag bihis ako at natulog na rin..
dumaan ang mga araw at mga gabi, at ang babaeng nakaputi ay lagi kung nakikita, kung ito namay lalapitan ko ay pawang lumalayo siya, hindi ko sya malalapitan, lagi akong tinatawanan ni ama
lumipas ang mga araw na parang ako'y nanghihina, ng ito'y nalaman ng aking ina dahil napansin din ito ni ama sa akin, wala daw kasi akong lakas
kaya't pinahinga ako sa bahay
nararamdaman ko na rin talaga ang katawan kong wala ng lakas lumipas pa ang mga araw, ganun parin ang aking pakiramdam, hanggat may nag bibinta ng mga puto at subrang gustong gusto kong kumain nun, kaya't tinawag ko si ina, dahil di na ako maka galaw..
"Ina? may nag bib..inta ng pag kain sa l..abas, bil..ahan mo ako" ng hihina kong sabi sa nanay ko
dali dali naman siyang lumabas kasi nandun siya sa kusina, ako naman nakahiga malapit sa aming pinto
"saan? wala naman eh"
"ayon...oh"
"anak wala naman"
hanggang nakalayo ito sa aking paningin, nilutoan nalang ako ni ina ng aking makakin
dahil malayo ang hospital sa amin at malapit ang albularyo
albularyo nalang ang tinawag ng nanay at tatay para maipagamot ako at yun nga ginamot ako ni manong maryo
"Nako!! mabuti at hindi ka nila nakuha!" sabi ni manong maryo
"anong ibig mong sabihi maryo?" tanong ni ina sa kanya
"May nag kagusto sa anak mo Lilia!" lilia kasi yun ang pangalan ng nanay ko
"ano?"
"buti at wala siyang nakain na kung ano ano, kong meron baka wala na yang anak mo ngayon, ganito kasi ang mangyayari kapag nagustuhan ka ng mga hindi katulad natin, katulad ng mga diwata o mga ingkanto, mag papakita sila sayo ng ilang araw at kapang ito iyong papansinin, ikaw ay magkakasakit at manghihina ng tudo na hindi mo malaman ang dahilan, at kapag ikaw ay mahina na, mero silang iaalok sa iyo na siguradong gugustuhin mo tulad ng mga pag kain man o mga gamit" sabi ni manong maryo kay tatay at nanay
"meron nga akong na alala maryo, laging sinasabi ni Allan sa akin may nakikita daw siyang babae nakaputi lahat" sabi ni ama
"at may nakita daw siyang nag bibinta ng puto maryo sa labas ng bahay eh wala naman akong nakikita" sabi naman ni ina
"hindi mo talaga makikita Lilia dahil nag papakita lang sila sa mga gusto nila, buti nalang at binantayan mo ang iyong anak dahil kung wala ka don, siguro kung nakain niya yon, nakuha na ang anak mo"
"ano na ang gagawin natin maryo?"
"may ipapainom ako sa kanya, at sobrang bait kasi nitong anak niyo turuan niyo siya mag sabi ng kahit isang masamang salita, kahit isa lang tulad ng ******* sigurado akong lalayo sila sa anak mo at mag sunog din kayo ng mga dahon sa paligin ng inyong tahanan" sabi pa niya
Ayaw daw kasi nila ang mga taong ganung pag uugali kaya pinapasabi yun ni namong maryo sa akin
"magalit karin kasi minsan, di pwedi yung ngiti ngiti lang, daming mag kakagusto sayo niyan" sabi ni manong maryo sa akin
hehehehe , natawa tuloy ako
"kahit minsan lang, inisin niyo anak niyo" sabi niya rin kay ama at ina
"oh ito, ipa inom niyo to sa kanya sa loob ng tatlong araw, at gagaling din yang anak niyo" may binigay siyang mga ugat ata yon ng mga halaman niya, dami kasi niyang halaman
"sige, aalis na ako"
"maraming salamat maryo"
at yun, ininom ko nga yung mga ugat ng halaman ni manong maryo ng tatlong araw, sa tatlong araw na yun nag mura ako ng nag mura pero hindi naman palagi kapag nag sasalita ako, minsan lang kapag may makikita akong mga daga at ipis
mild lang naman ang sinasabi ko tulad ng pis**
May pinapadala din siya sa akin
Lagi ko daw yun dadalhin isang maliit na pouch na nag lalaman ng asin para daw walang makaka galaw sa aking mga ingkantoso yun, gumaling nga ako at nag papasalamat ng marami kay manong maryo
nag lalaot narin kami uli ni ama, dalawang linggo rin hindi ko siya na tulungan wala narin akong nakikitang babae at talagang malakas na ako.
so yun ang isturya ko, sana ay nagustuhan niyo
Yun lang maraming salamat
AN: sana ay nagustuhan niyo ang kwentong ito, maraming salamat! hanggang sa muli ^_^
YOU ARE READING
ALL MY THOUGHTS
FanfictionLahat ng isusulat ko sa librong ito ay mga storyang misteryo, kakabilib at hindi maka panipaniwala, mga nakakatawa at iba pa. Ang librong ito ay mag lalaman ng iba't ibang kwento every chapters. sometimes are real happen at minsan ay gingawa lang ng...