I

23 1 0
                                    

The First Eye Contact

Maririnig mula sa simbahan ang huni ng mga ibong nagkakantahan.

Mga batang naghahabulan.

Mga tindero't tindera na nagaalok ng sampaguita.

Ito ang paboritong senaryo ko. Tuwing linggo ay nagagawi ako sa simbahan para magpalipas ng buong araw. Isa akong volunteer at napakasaya ng trabaho kong ito. Ang marinig ang sermon ng pari ang nagpapagaan ng loob ko at mas naglalapit sa akin sa Panginoon.

Sa katunayan, hindi tumatanggap ng volunteer ang simbahang ito dahil hindi naman nila kailangan ngunit nagpumilit ako dahil pangarap ko ang magsilbi sa simbahan.

"Oh Resia! Mukhang masaya ka ngayon?" Wika ni Sister Rosa.

"Madalas naman ho akong masaya, Sister. Lalo na po kapag nagsisilbi ako sa simbahang ito."nakangiti ko namang tugon.

"Napakabuti mo talagang bata para kang anghel. Sana mahanap mo na ang taong para sayo."

"Mas importante po ang trabaho kong ito kesa pagtuunan ng pansin ang pagkakaroon ng irog." Katwiran ko.

"Time waits for no man, Resia." Wika ni Sister bago ako iwang nakatanga.

Minsan napakalalim ng iniiwan niyang mga salita na mapapaisip talaga ako kung ano ang ibig niyang sabihin pero hindi ko rin naman maiintindihan kahit anong gawin ko.

•••

Tapos na ang huling misa para sa araw na ito at nagsisialisan na ang mga nagsimba.

"Oh Resia! Hindi ka pa ba uuwi? Baka hanapin ka na sainyo?" Tanong ni Padre Arthur.

"Father, mamaya na po ako uuwi mag-aayos po muna ako." Kagaya ng nakagawian ko na tuwing linggo ako ang pinakahuling tao na umaalis dito sa simbahan dahil pinapanatili ko itong malinis at maayos.

"Oh siya mauna na ako sayo ha? May gagawin pa ako eh. Mag-ingat ka sa pag-uwi."

"Sige po, Father. Mag-ingat po kayo." Tinugon niya na lamang ito ng ngiti bilang sagot.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na akong maglinis at napagpasyahan ko ng umuwi.

Naglalakad ako ng 10 minuto mula simbahan papuntang bahay dahil mas komportable akong maglakad at mapakinggan ang huni ng mga ibon sa maliit na gubat na daraanan ko. Bukod sa simbahan, itong gubat na ito ang pinupuntahan ko kapag mayroon akong problemang pasan. Marami rami din ang nakatira sa dulong bahagi ng gubat na narating ko na noon at naging malapit na rin ako sa mga taong nakatira doon. Bagama't isa itong gubat hindi ka matatakot na atakihin ng mabangis na hayop dahil maiiksi ang mga damo dito at tanging mga puno ang matatayog at matataas.

Ilang minuto nalang ay malapit ko ng marating ang eskenitang daraanan ko pauwi ng may malaking tao ang bumangga sa akin na naging dahilan ng pagbagsak ko sa sahig.

Sa tingin ko ay magkakapasa ako sa balakang sa lakas ng pagkabagsak ko pero hindi ko yun ininda. Tumayo ako at humingi ng paumanhin sa lalaking nakabangga ko.

"Pasensya na po, hindi ako tumingin sa dinaanan ko." Tiningala ko ang lalaking nakabangga ko at nabigla ako ng makita ang kabuuan niya.

Maputi, matangkad, matangos ang ilong, mapula ang labing may punit sa gilid at may kaunting bahid ng dugo, may gasgas ang pisngi at nanlilisik ang matang tinitigan ako.

"A-aayos ka lang ba? B-bakit ka may mga sugat?" Natataranta kong tanong.

"Lumayo ka."mahina ngunit may diin nitong tugon.

"H-ha?"

"Ang sabi ko lumayo ka bago kita masaktan." Nagtaasan ang balahibo ko sa kanyang tinuran.

Ano bang sinasabi niya? Anong sasaktan?

Bagama't naguguluhan dahan dahan akong naglakad paatras at pinili nalang dumaan sa kabilang eskenita. Ngunit bago pa man ako makaalis ay may ibinulong ito na lalong nagbigay ng takot sa sistema ko.

"Siguraduhin mong ito na ang huling beses na magkikita tayo. Aalalahanin ko ang araw na ito, Resia." At narinig ko ang malalakas na yabag nito paalis.

Dali-dali naman akong naglakad papunta sa kabilang eskenita para makauwi na ng ligtas.

Paulit-ulit kong naririnig sa isip ko ang sinabi sakin ng lalaking iyon. Marami akong gustong itanong sakanya. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Sino ba siya? At kung bakit niya ako sasaktan.

Hanggang sa makapasok ako sa kwarto ay binabagabag ako ng mga binitawan niyang salita.

Naligo muna ako bago kumain, magsipilyo at naghanda para matulog. Nagsimula na akong magdasal at pagkatapos ay nahiga na ako hanggang sa magdilim ang lahat.

"Maawa ka sa amin! Bata pa ang mga anak ko!"

"Demonyo ka! Nasusunog na ang kaluluwa mo sa impyerno!"

"Mama! Papa!"

"Tulungan niyo ako parang awa niyo na!"

Sa gitna ng mga taong naghihinagpis ay isang lalaking napapalibutan ng apoy.

Kanya-kanyang takbo ang mga tao para iligtas ang kanilang mga buhay pero kahit anong gawin nila ay nakulong na sila sa loob ng nasusunog na kagubatan.

"Horin! Umalis ka na dito! Ilang buhay na ba ang sinira mo? Ikaw ang pumatay sa buong angkan ko! Nilisan ko ang lugar na kinagisnan ko at nagpakalayo-layo ngunit nandito ka pa rin!"

Humalakhak na parang isang halimaw ang lalaking tinawag na Horin.

Palakas ng palakas.

Hanggang sa nagsimula ng magdugo ang tenga ng mga nakakarinig sakanya.

Pero mas nakakapangilabot ang boses nito ng ito'y magsalita na.

"Nagpapatawa ka ba? Hindi kita sinundan dito. Kahit saang lugar ay pupuntahan ko ang lahat ng karapat-dapat ng mamatay at nagkataong napadpad ka sa lugar na hindi dapat. Kaya isa ka na sa mamamatay." Nakakapangilabot ang tinuran nito sa malademonyong boses.

"Hayop ka! Napakasama mo!"

May tila maliit na liwanag sa palad ni Horin ang nabuo hanggang sa naging bilog ito na palaki ng palaki at binalot nito ang kanyang katawan.

Hanggang sa ang lahat ng taong nasa loob ng gubat ay nabalot din ng apoy sa kung paano nakabalot sa apoy si Horin.

Nakakabinging mga sigaw.

Hanggang sa maupos ang mga apoy at maging abo ang lahat ng nasa loob ng gubat maliban kay Horin na nasiyahan sa kanyang nakikita.

Unti-unting lumingon si Horin sa gawi ko at nanlisik ang mata niya.

"Resia"

"HORIN!" Napabalikwas ako ng mapagtanto ko kung sino ang lalaking yon.

"A-ang lalaking iyon."

Isang kakaibang pakiramdam ang bumalot sakin.

Nagsimulang uminit ang palad ko.

Nakakapaso.

Hanggang sa may mabuong bilog dito.

Napapikit ako sa tindi ng init na naramdaman ko sa aking balat.

Kumalat ang apoy sa braso ko hanggang sa umabot sa leeg.

Napakasakit na tila tinutuklap ang balat ko hanggang sa hindi ko na ito maramdaman.

"AAHHHHHHHH!!!"kahit ang pagbuka ng bibig ay napakasakit dahil pati ang mukha ko ay tinutupok ng apoy.

Ano bang nangyayari? Diyos ko, tulungan mo ako.

"Binalaan kita." Ang boses na iyon.

Hirap man ay dahan-dahan akong lumingon sa taong nagsalita mula sa likod ko.

"H-horin."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 14, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Fell In Love With The DevilWhere stories live. Discover now