TFE 23: Cannot Scream

1.2K 73 12
                                    

"Potangina, gago! Kamuntikan na 'ko do'n! Sinong hinayupak ba naman kasi ang naka-ideya no'n! Mga walang hiya! Walang may nag-sabi sa'king mala-Squid Game pala ang kinginang presohang yo'n!"

Sunod-sunod na pag-mumura at pag-rereklamo ng ngayo'y punong-puno na ng magkahalong dugo at pawis na nag-mamaneho pa sa ninakaw niyang police car na si Richard.

Mag-aalas dose na ng gabi, at kasalukuyan niya ngayong minamaneho ang vehicle na iyon sa kalagitnaan ng kalsadang napapalibutan lamang ng mga nag-lalakihan at nag-tataasang mga kakahuyan.

Mag-isa lang siya, at mahahalata 'ring hinihingal pa'rin ang binata, nang dahil sa kanyang biglaang pag-takas kanina mula sa kulungan.

Nagawang niyang maka-takas dahil bigla nalamang nawalan ng mga ilaw ang buong police station, at automatikong bigla nalang 'ring nabuksan ang bawat selda na naroroon. Dahilan upang magkaroon ng chansa ang lahat ng mga presong makatakas.

That includes him.

But he almost died in the process dahil bigla nalang 'rin siyang sinubukang patayin no'ng iba pang mga preso, ngunit mabuti nalamang at agad niya 'ring natakasan ang mga ito.

"Marahil ay iyong taong iyon ang may kagagawan nito," wika ni Richard sa kanyang sarili habang muling inaalala ang mukha ng kaklaseng tutulong daw sa kanya.

But even though nakatakas na nga sa kulungan si Richard ay hindi niya pa'rin alam kung ano na ang sunod niyang gagawin.

He can't go back to his own town, since kilala na siya ngayong kriminal doon.

And he also can't call for help sa kahit na sino mang kakilala niya, lalong-lalo na ng kanyang mga kaklase, dahil alam niyang bawat isa sa mga ito'y mamamatay tao na ang pag-tingin sa kanya.

Wala nga ni-isang kumampi sa kanya no'ng nasa korte palamang eh. What more is he hoping for...

"Tulong pakiusap!! Itigil mo ang sasakyan!!"

"Potangina---"

Sunod ay bigla nalamang nagulantang si Richard nang may isang babaeng puno ng mga sugat at dugo sa kanyang buong katawan ang bigla nalamang humarang sa may kalsadang binabaybay ng kotseng minamaneho ng binata.

Dahil sa gulat ay kaagad niyang iniliko iyong kanyang sinasakyan upang hindi masagasaan iyong babae, dahilan upang kaagad naman itong bumangga sa isang napaka-laking puno, causing it to have some mild damages.

Matapos iyon ay iika-ika namang kaagad na nagtatakbo papunta sa nabanggang sasakyan iyong dalaga.

"I--I'm sorry! P--Pero pakiusap! Tu--Tulungan niyo po ako! May gustong pumatay sa'kin!" Wika nito.

Bahagya mang nahihilo ay pinilit pa'rin ng binatang wag mawalan ng malay at maging matatag, despite the fact na kamuntikan na siyang maaksidente sa nangyari.

Dahan-dahan siyang napa-tingin doon sa mukha no'ng babae, at sa unang titig niya palamang ay wari bang namumukhaan niya na ito.

Gano'n din iyong babae nang makita ang mukha ni Richard...

"Te--Teka... Ri--Richard?" Nauutal na naiwika nito, halatang muli nanamang nabalutan ng kaba.

Agad namang nakilala ni Richard iyong babae.
Isa ito sa kanyang mga kaklase. Ngunit hindi niya matandaan ang pangalan nito, dahil ni-minsan ay hindi niya pa ito nakakausap no'ng magkaklase palamang sila.
But he's certain that she's one of his classmates!

"K--Kaklase kita diba?" Ani Richard...

May sasabihin pa sana siya dito, ngunit hindi niya na iyon naipagpatuloy pa nang bigla nalamang tumakbo papaalis iyong dalaga habang nababahiran ang mukha nito ng takot.

The Final ExamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon