◇
This is a work of Fiction. Names, Characters, Places, and Events are product of the Author's imagination. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Copyright (c) 2014 by @DinDinAtole
ALL RIGHTS RESERVED
" ICE PRINCESS "
Status: On-going
◇
★PROLOGUE★
◇
◇
" Yaaahh!! "
" Aaaaaahhh !! "
" Hyaaaahh!! "
Puro ganyan ang iyong maririnig.. Mga sigaw ng mga naglalabanan.. mga sigaw ng mga nasusugatan o nasasaksak .. at mga iyakan ng mga batang namatayan ng magulang sa nagaganap na labanan ngayon ng mga di pangkaraniwang nilalang.
Hagisan ng mga yelo na ginawang isang malaking higante na bilog.. Batuhan ng mga bolang apoy.. Yan ang mga nangyayari.
Sa panig ng kabutihan, sila ang mga Frost,na pinamumunuan ni King Froilanat ang kapangyarihan nila ay ang ice o yelo... at sa panig naman ng kasamaan, sila ang mgaDemons sa pinamumunuan naman ni King Safire na ang kapangyarihan ay apoy.
Nagaganap ang labanang ito sa lugar ng mga Frost.. ang Frostinian Land ..
" King Froilan! Marami na po ang nasawi!! " sigaw ni Xander kay King Froilan mula sa malayo na nakikipaglaban parin.. Si Xander ay anak ng kanang kamay ng dating King na Ama ni King Froilan.. aat ngayon, siya naman ang laging katulong ni King Froilan..
Inilibot naman ni King Froilan ang kanyang tingin.. Isang hindi kaaya-ayang paligid. Puno ng mga walang malay na mga Frost.. mga sunog ang balat.. Marami na rin ang may mga sugat.. Puno ng dugo ang paligid. Ang dating yelong paligid ay naging lupain na.. Makikita mo talaga ang karumihang nagaganap ngayon..
Sa isang parte ng laban, tumatawa ng parang demonyo si King Safire dahil sa nakikita niya ngayon.. Tumingin siya sa kung nasaan ngayon si King Froilan.. saka siya sumigaw
" Ano King Froilan?! Sumuko na kasi kayo!! At ipaubaya niyo na saakin ang buong mundo!! Wala rin naman na kayong magagawa!! " -King Safire.. Tumingin naman sakanya si King Froilan..
" Hindi kami susuko!! Hindi namin ipapaubaya sayo ang buong mundo dahil puro kasamaan lamang ang iyong gustong gawin!! " -King Froilan.. Tinignan siya ng masama ni King Safire.. Gusto kasing sakupin ng mga Demons ang buong mundo pati na rin ang Frostinian Land at pagharian ito na ayaw namang mangyari ng mga Frost..
" Mukang nagmamatigas talaga kayo!.. Kung gayon,... ito na talaga ang inyong huling pagkakataon.... " putol muna niya saka sumigaw sa mga kasama niya.. " itigil niyo muna iyan!! May mahalaga akong sasabihin!! " tumigil naman ang mga alagad niya sa pagkitil ng buhay ng mga Frost saka nakinig sa King Safire nila..
" Tandaan mo King Froilan.. Ito na talaga ang inyong huling pagkakataon,.. babalik kami at susugod ditong muli,.. at pagkalipas yun ng tatlong taon,... Tatlong taon King Froilan.. Tatlo. At sapat na siguro iyon.. Pagkakataon na rin ninyo upang magpalakas at magpakarami.. Kung may ilalakas pa nga kayo? " sabi niya ulit nang nang-aasar pa sa huli niyang sinabi... Tumawa ulit ito ng parang demonyo..

BINABASA MO ANG
Ice Princess
FantasySkyzzer Blue Frost.. Ang babaeng itinakdang tapusin ang kasamaang ginagawa ng mga Demons at ang gustong sumakop sa buong mundo.. Si Xander, isang Frost, ang naatasang maghahanap kay Skyzzer sa mundo ng mga tao upang sabihin ang nakatakd...