~
SKY'S P.O.V. (7:54pm)
After the dinner, umuwi na rin si Candice aa bahay nila. Same subdivision, kaya hindi na rin naman siya nagpahatid sakin. May pasok din kasi kami bukas kaya hindi na siya nakatagal dito sa bahay.
Paakyat na ako papunta sa room ko nang makita ko si Mommy na kalalabas lang din ng kwarto nila ni Daddy at papalapit siya saakin ngayon. Nakadamit na pantulog naman na din si Mommy.
"Blue..." tawag sakin ni Mommy sa second name ko. Lumapit din naman ako sakanya.
Pagkalapit ko, chineck na niya agad ako sa noo, at sa leeg ko if mainit pa ako. May lagnat kasi ako this past few days kaya nga andito rin si Candice kanina.
"How's your feeling, anak?" she asked
"Okay na po ako." I answered. Hindi na rin naman ako mainit.
Mom sighed. "Matulog ka na ha? Good night." she said then kissed me on my chicks. Nginitian ko lang naman siya.
Nagpaalam na sakin si Mommy na matutulo na rin siya. Nagbihis muna ako ng damit ko pantulog then tumalon na ako sa kama ko. Tumingin ako sa kisame.
"Good night, Papa." napangiti ako ng mapait. Always ko naman ton ginagawa. Weird me? I don't think so. Hahaha.
Inon ko na yung ilaw sa lamp shade ko then pinatay ko na rin yung main light ng room ko.
Bumalik na ako sa pagkakahiga ko at inayos ko muna yung comforter.. Ipinikit ko na rin ang mata ko. Mayamaya nakaramdam na rin ako ng antok..
~
I opened my eyes when I suddenly felt cold.
"Where am I?" I asked to no one.
All I can see is white. All white. And it's really cold here. This is not my room, but I'm still wearing my dress that I used when I went to sleep.
I hugged my self. "Hello? Where am I?" I asked again. But no one answered.
Nasaan ba ako? Wala akong ibang makita kundi puro puti. Am I dead now? Is this now the heaven? No... Hindi---
"Anak..." hinanap ko kung saan nanggaling yung boses na yun.
Sa kanan? Wala. Kaliwa? Wala rin. Sa taas? Wala naman.. Baka naman sa likod ko? So tumingin ako sa likod ko.
May nakita akong may lalaking may edad na na nakatingin sakin. Siya kaya yung nagsalita?
"Sino ka po? Saka.. nasaan po ako?" tanong ko sakanya. Pero lalo tuloy akong nalamigan nung bigla siyang ngumiti saakin.
He didn't bother to answer my question. Instead, he just said.
"Malapit na... anak." sabi niya. Saka siya ngumiti. Napayakap tuloy ako ng mahigpit sa sarili ko ng lamigan ako sa ngiti niya.
Pero bakit ganun? Anggaan ng pakiramdam ko sakanya ngayon? Especially nung ngumiti siya saakin.. Pati yung pagsalita niya ng, Anak? Wait. Did he really said that?! Di kaya---
"P-p-papa?..." bigla nalang may tumulong luha sa mata ko... He smiled again. Then suddenly I realized.. I'm now crying.
Tumingin ako kay Papa. Yeah I'm sure. Siya si Papa William ko! Gusto kong lumapit sakanya at yakapin sana siya ng mahigpit.. but hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon.. Parang may kung anong semento ang nakakapit sa paa ko at hindi ko ito maihakbang sa sobang bigat.

BINABASA MO ANG
Ice Princess
FantasíaSkyzzer Blue Frost.. Ang babaeng itinakdang tapusin ang kasamaang ginagawa ng mga Demons at ang gustong sumakop sa buong mundo.. Si Xander, isang Frost, ang naatasang maghahanap kay Skyzzer sa mundo ng mga tao upang sabihin ang nakatakd...