~ ~ ~
Third Person's PoV
*After 1 year and 2 months
Lumipas na ang isang taon at dalawang buwan ay hindi parin nahahanap ni Xander si Skyzzer. Kung saan-saan na siya nagpunta pero wala talaga. Haayy. Pagod na yan panigurado. Pero di parin siya sumusuko. Kaligtasan nila ang nakasalalay dito, kaligtasan ng lahat.
Prente siya ngayong nakaupo sa gilid ng kanyang kama. Andito siya ngayon sa America. Para hanapin sana si Skyzzer dito, pero wala parin eh. Di niya nahanap dito.
Marami-rami na rin ang kanyang natutunan sa mundo ng mga tao. Hindi na rin siya isang ignorante kung tignan gaya nung una.
Huminga siya ng malalim. Problema na niya lagi kung saan hahanapin si Skyzzer. Nag-search na siya sa facebook, google, twitter, etc. Pero walang lumalabas na impormasyon about kay Skyzzer. Ano kaya username niya sa fb? Chos.
Tumayo na siya sa kanyang pagkakaupo at pumunta sa walk in closet niya. Inilabas niya ang mga damit niya at ipinatong ito sa kama niya. Guest what? Ano pa ba, eh di luluwas nanaman siya ng bansa para hanapin si Skyzzer. Always yan te! May pera naman siya. Minsan gumagamit siya ng tricks para makakita ng pera.
Mamayang gabi na nga pala ang flight niya to Philippines. Doon na rin niya ipagpapatuloy ang pag-aaral niya. Yeah right. Tama kayo ng basa, nag-aaral siya. Nang sa gayon, magkaroon din siya ng iba pangkaalam, at para may pagkaabalahan rin siya minsan. At estudyante naman din si Skyzzer sa ngayon eh. Yan ang alam niya. Natural ah, mag-e-18 pa nga lang siya eh diba? So sa level ng college siya pumasok.
Paano siya nakapasok agad-agad sa college? He used one of his ability. Ang maglagay ng isang memorya sa isang tao. Ipinaisip niya sa mga ito kung ano ang kunwaring meroon siya.
May roon din namang tumulong sakanyang kaibigan. Isang lawyer, ang gumawa sa mga kaylangan niyang papeles.
"Aalis ka na talaga?" tanong ni Vianca sakanya. Ang lawyer na tumulong sakanya. Filipino naman din ito.
"Oo eh. Kailangan." sagot ni Xander dito habang inaayos ang iba pang gamit niya. Andito rin kasi si Vianca sa Condo ni Xander para tulungan siya sa pag-iimpake.
Tinupi ng Vian ang iba pang damit ni Xander. "Talaga bang bumalik na ang memorya mo?" tanong niya ulit. Ang alam niya kasi ay nagkaroon lang ng amnesia si Xander. Dahil sa isang car accident, na siya ang may gawa. Kaya naman inalagaan na niya muna ito noon. At naging magkaibigan din naman sila after that. Hindi nga lang niya alam ang katauhan ni Xander, na isang Frost na may kapangyarihan.
Tumingin si Xander sakanya at ngumiti ng pilit. "Marami ang naghihintay sakin doon. Salamat nga pala sa lahat ng tulong mo sakin Ate Vian." Lumapit siya kay Vian at niyakap ito ng mahigpit. Parang kapatid na rin kasi ang turingan ng dalawa. Kaya ganyan sila. Walang ilangan.
Tumawa ng pilit si Vian dahil sa drama nila at pinunasan ang luhang balak lumabas sa mga mata niya. Kumalas na rin siya sa yakap ni Xander.
"Mag-iingat ka ha?" huling niyang sabi kay Xander.. Tumango naman siya.
Pagkatapos rin ng ilang minuto ay nagpaalam na ai Xander kay Vian. Mamimiss niya rin 'to panigurado. Isang taon din silang nagkasama eh.
Di nagtagal ay pumunta na si Xander sa airport. Hindi na siya nagpahatid pa kay Vian. May trabaho pa din kasi ito.
Kaunting oras lang ang itinagal ni Xander sa airport ay narinig na niya ang pagtawag sa mga pasahero ng eroplanong sasakyan niya. Agad naman na siyang sumakay doon at ilang minuto muna ang lumipas saka nag-take off na ang eroplano.
BINABASA MO ANG
Ice Princess
FantasySkyzzer Blue Frost.. Ang babaeng itinakdang tapusin ang kasamaang ginagawa ng mga Demons at ang gustong sumakop sa buong mundo.. Si Xander, isang Frost, ang naatasang maghahanap kay Skyzzer sa mundo ng mga tao upang sabihin ang nakatakd...