Unang Bahagi

60 23 3
                                    

Unang bahagi

"Manong! Para na po! Itigil nyo po dito.", sigaw ng babaeng akala mo ay lalaki kung kumilos. Sa itsura nito ay hindi maikakaila ang kagandahang taglay. Head turning kumbaga, ang kaso nga lang ay sablay sa pagkilos.

Tumakbo sya papunta sa nakitang lalaki na kapares ng tatak ng nasa uniporme nya.

"Hoy! Oy! Diba schoolmate tayo?", ani nito sa lalaki na para bang matagal nya na itong kakilala.

Nanlalaki ang matang itinuro ng lalaki ang kanyang sarili.

"Ako nga pala si Rozette, sette nalang para katunog ng SHET!", masayang sabi nito sa lalaki. Nananatiling tulala ang lalaki sa kanya. Tila namamangha na hindi mo maintindihan. Biruin mo ba naman kasing kausapin sya bigla ng magandang dalaga na hindi naman nito kilala. Idagdag pa ang kakaibang kilos nito. Tila ba hindi alintana ang kasarian at ang suot nyang palda .

"Hoy!", tawag dito sa kanya ng dalagang si Rozette. Sa gulat nya'y napakumpas sya.

Kumunot ang noo ni Rozette.

 

"Teka? Pipi ka?! Bingi?! Ay teka! Pa'no na nga ba i-sign language yun?", tanong nito saka tumingala sa kalangitan na tila andun ang sagot sa itinatanong.

Nagulat ang binata. Napatanga nalang din sya nang mapagkamalan pang pipi at bingi ng dalaga.

"Teka hindi!", sagot nya sa dalaga. Nagpasalamat sya dahil nahanap nya na ang kanyang boses.

"Ha? Wala kang deperensya? 'Di ka pipi at bingi? Aba'y lintik ka! Pinagtitripan mo ba 'ko?!" ani ni Rozette saka dinamba ang binata sa leeg na para bang sinasakal.

Gulat na gulat ang binata sa naging kilos ng dalaga kaya naitulak nya ito. Napaupo ang dalaga sa damuhan sa gilid ng kalsada.

"S-sorry.", ani nito saka inioffer ang kamay para matulungang tumayo ang dalaga.

Tinapik lamang naman iyon ni Rozette saka tumayong mag-isa.

"Alam mo, ang sweet nun ha! Kaso ang creepy lang dahil kelangan mo pa talaga kong itulak para 'di ko mahalatang crush mo 'ko. Grabe ka! Gusto mo pa talagang mahawakan ang kamay ko. Tsk."

Muling napatulala ang binata sa narinig. Like what the f*ck she was saying?

The Damsette Story (KATHNIEL FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon