Pangalawang Bahagi
MABILIS na lumipas ang araw, linggo at buwan. Wala namang magandang nangyari maliban sa nakakasanayan na ni Dam ang ugaling pang out of this world ni Sette. Nagkakasundo na rin naman sila kahit na walang pagkakataong hindi umuuwing nasasaktan ang binata. It turned out kasi na may pagkasadista ang babae. Sa sobrang kaharutan at pagiging childish nito, kung hindi mahampas, sabunutan, at kurutin si Bandam ay naitutulak nya ito sa kung saan. Ayos lang naman sa lalaki ang mga yun. Ewan nya, pero sa hindi malamang dahilan, wala syang nakikitang bagay na ginawa ng dalaga sa kanya na dapat nyang ikagalit dito. Nalulungkot pa nga ito kapag nawawala sa mood ang dalaga na saktan o maski kulitin manlang sya. Oh diba? Parang tanga lang. May pagkamasokista.
"Iniisip mo nanaman bespren mo? Iba na yan ah!", ani ng kapitbahay nyang si Wapot. Ito rin ang saksi sa sayang naidudulot ni Rozette sa kanya.
"Tsismoso mo talaga 'no?", ani ng binata saka nginisian ang kaibigan. Bumuntong hininga muna sya bago nagsalitang muli.
"Lagi ko naman naiisip yun. Ewan ko ba. Kinukulam na ata 'ko ng babaeng yun eh.", ani nya na ikinatawa naman ng kausap.
"Edi maganda. Magkakaperslab ka na din. Haha. Patunayan mo na ang pagkalalaki mo!", kantyaw ni Wapot kay Bandam.
"Gago! Wag mo 'kong ipares sa'yo na kada girlfriend iniiskoran. Tsk!", inis na sabi ni Dam. "Dyan ka na nga lang Pot! Wala kang kwenta kausap.", ani nya bago iniwan ang kaibigang nakatambay sa gater sa tapat ng bahay nila.
Pumunta si Dam sa kwarto nya at kinuha ang isang kulay asul na kwaderno bago tumungo sa bintana at naupo doon. Gamit ang lapis ay iginuhit nyang muli ang mukhang nakatattoo na yata sa isip nya. Halos mapupuno nya na yung kwaderno ng mukha ng iisang tao lang.
Todo pokus sya sa pagguhit kaya naman ganun nalang ang gulat nya nang may sumigaw sa likuran nya ng...
"Ah! Bandam! Wag kang magpakamatay! Tulong! Tulong! Bandam wag! Napakabata mo pa! Hindi ka pa nakakapagpakalat ng lahi mo!-", sunud-sunod na lintanya(?) ng babae habang nakapikit kaya hindi nya nakita ang pagtayo ni Dam sa bubong na dalawang talampakan lang naman na mas mababa kesa sa inuupuan nya kanina.
Sanay na si Dam sa pagiging kabute ni Rozette pero hindi sya masanay-sanay sa pagiging eksaherada nito kung mag-isip.
"Hoy! Pusit! Ano bang sinasabi mong magpapakamatay ako? Adik ka ba?", ani niya sa babae.
"Wow. Kaya mo lumutang sa ere?"
"Tanga. May bubong akong tinutuntungan!"
"Hmf! Tanga mo rin. Ba't kasi dyan ka tumatambay. Alam mo bang delikado dyan?", ani ni Rozette. Hindi agad nakareact si Dam sa sinabi ng dalaga dahil hindi nya inasahan na magpapakita ng ganung ekspresyon si Sette. Sa pagkakataon kasing iyon ay unang beses nyang nakita ang pagiging worried nito sakanya.
BINABASA MO ANG
The Damsette Story (KATHNIEL FANFIC)
Teen FictionSi Bandam ay isang ordinaryong tao lamang. Sya yung taong makikita mo lamang sa daan, mapapalingon ka sa kanya pero agad mo rin namang makakalimutan na nakasalubong mo pala sya. Sya yung taong hindi mahilig sa karaniwang hilig ng mga lalaki. Sya yun...