Mukhang maganda
Malulungkot na mata,
Pagod at susuko na sana
Ngunit nakilala kaNagbigay liwanag sa'king mundo
Aking mundong magulo,
Damdamin ko ay napukaw mo
Laking pasasalamat ko sa iyoNagbigay motibasyon upang ako ay magpatuloy sa aking buhay
Nagkaroon muli ng saysay,
Ninais ko muling maglakbay
Patungo sa rurok ng tagumpayHulog ng Langit
Humilom sa bawat sakit,
Hindi mo man malaman kung paano
Ngunit ito ay totooAng bawat salitang iyong binibitawan
Ay maaaring makabuo o makasira sa taong iyong pagsasabihan,
At ikaw ay aking nais pasalamatan
Dahil mga salita mo, sa kalooban ko ay nakapagpagaanNapagtanto ko
Na bakit ako manghihinayang sa mga tao,
Na siyang sumira sa 'dating ako'
Iyong masaya at mahal na mahal ng mga magulang ko?Bakit ko hahabulin iyong mga 'kaibigan'
Na kaibigan ko lang naman kapag sila ay may kailangan,
Napagtanto ko na hindi sa kanila umiikot ang mundo
Dahil mas malawak ang nasa labas ng mundong ginagalawan koNgayon ay akin ng tatapusin
Ang paglalahad ko ng aking mga hinaing,
Nais ko lamang ikaw ay pasalamatan
Sa lahat ng bagay na aking natutunan©Mj Ronsairo
YOU ARE READING
What I See Is What I Write
PoetryThis is basically not a story, this is a compilations of my poems. Dedicated to all the peopIe I love and to our God. It also includes all my life rants. If you can relate or if one of my poems touches your heart, please give my story a vote and fol...