3:00 am
mag ka tabi kaming matulog ni mama ngayon gabi pero nagising ako dahil naramdaman kong na iihi ako at pag tingin ko sa cellphone ko saktong 3:00 am na humiga ulit ako at pinikit ang mata at tiniis ang ihing na raramdaman dahil na tatakot ako mag isa naramdaman kong tumayo ang katabi ko at pag dilat ng mata ko nakita ko si mama na binubuksan ang pinto
" ma saglit lang "
sabi ko pero hindi lumingon si mama babangon na sana ako para sumunod ang kaso pag tingin ko sa tabi ko nandoon ang nanay ko at nakahiga at mahimbing na na tutulog