SALAMIN
" pag tumingin ka ng 3:00 am sa Salamin ay hindi na ikaw ang makikita mo "
Binasa ko ang post na iyon sa Fb at napa irap na lang ako halata naman na na nanakot lang ang mga iyon Marami talagang kumakalat na ngayon na Fake news sa Facebook
Lumabas ako sa Kwarto ko dahil na uuhaw na ko pag tapos kong uminom ay napa daan ako sa salamin namin tinignan ko ang Sarili ko doon at nakakamangha na Maayos parin ang Itsura ko kahit madaling araw na ngayon at hindi pa ko na tutulog dahil kaka wattpad kaya naman napa ngiti ako
tinignan ko ang ngiti ko sa salamin at pantay pantay pala ang ngipin ko ang ganda tignan sumimangot ako at tinignan ko ulit ang muka ko sa salamin ang panget ko pala pag naka simangot
kaya naman muli akong ngumiti pero nagulat ako ng pag tingin ko sa salamin ay naka simangot parin doon ang muka ko kaya naman agad akong napa atras at nawala ang ngiti ko at Pag tingin ko sa muka ko sa salamin ay naka ngiti iyon at saktong tumunog ang orasan namin pag tingin ko sa oras ay 3:00 am