Kung cheap thing na pala ang ganito kaganda, ano tawag sa kanya?? Basura!?
Hindi na kailangan ng kuryente effect ang mga mata namin sa talim ng mga tingin na ipinupukol namin sa isa't-isa. Kung totoong nakamamatay ang tingin kanina pa nakabulagta sa sahig to.
"Watch your words, Yumi." babala ni D.O sa mababang tono. He wore a straight face.
Napaawang ang bibig nung Yumi at halatang nagulat siya. Lihim akong napangiti. My Hero!! Iiiihhhhh! Ang lakas magpakegel ne koya eh!! Pero kahit ganun, I'm not leaving without a fight.
"Ang alam ko sa dagat nakatira ang mga hipon. Anong ginagawa mo dito, nagbabakasyon?" nanguuyam kong sabi. Nakita ko ang paglaki ng mga mata niya. Mukha na siya yung sikat na painting na 'the scream', lamang lang siya ng kulay, black and white lang kasi yun pero siya pulang-pula na sa sobrang galit. Bwaaahaha!! Asar-talo!!! XD
Ang dalawang lalaki naman ay palipat-lipat lang ng tingin sa aming dalawa na parang nanonood ng ping-pong match.
"Ah.. eh.. Piglet, sige na kain na kayo. Mauna ka na rin pala umuwi mamaya, medyo mapapagabi ako eh. Hatid ka na lang ni Kai." sabi sa akin ni D.O sa effort na mabasag ang tensyon.
Bigla ay nakaramdam ako ng pananamlay. Di ba niya maalala kung anong araw ngayon? Hayyy.
Tumango lang ako at matipid na ngumiti. Tahimik lang ako nung makalabas na kami ni Kai, nasa likod lang kami ng iba pa naming kasama.
"Memei..." tawag ni Kai. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Naiintindihan mo naman diba? Alam mo naman ang consequences ng mundong pinasok namin diba? Kaya mo pa ba?" nag-aalalang tanong niya.
Kaya ko pa ba?? Ngayon pa ba ako mag-iinarte kung kelan nasa peak na sila ng kasikatan nila?? Masaya siya, nakikita ko yun. I don't want to make things complicated.
"Naiintindihan nyo din naman diba?? Salamat kasi nandyan kayo." ayokong masyadong isipin o banggitin kung gaano kakumplikado ang buhay na pinasukan ko.
Doon ko napansin na nakatingin na silang lahat sa akin, nakahilera sila at nakangiti.
"Diba nga, we are one? Parte ka ng grupo, Merah. You're secret is safe with us." sabi ni Suho-hyung. Suminghot ako. Ayokong magdrama, sa climax na lang ng storyang to iipunin ko muna luha ko.
"Tara na nga mga chonggo. Tayo na lang ang mag-celebrate. Ako ang pipili ng lugar, pero si Suho-hyung pa rin magbabayad." sumingit ako sa gitna nina Kai at Suho. Natatawa na lang silang napapa-iling.
30 minutes later nakarating kami sa isang Chinese restaurant downtown. Sinadya talaga namin na mag-foodtrip sa malayo dahil paniguradong dudumugin tong mga kasama ko ng mga fans kung mags-stay malapit sa company. Isa pa natatakam din kaming kumain ng black bean noodles.
As usual, galit-galit na naman sila kumain at ang iingay. Sinasaway sila ni Suho pero ayaw talaga magpaawat, pinapangunahan na naman ng dalawang bunsong sina Sehun at Tao ang riot. Hayyy... ang sarap kasama ng mga chonggong to pero minsan din pagkasama ko sila gusto ko na lang maglagay ng paperbag sa ulo. Kung nandito lang sana si D.O, hindi ganito kagulo to. Hayyy.
Speaking of D.O, ano na kaya ginagawa nun?? Kumain na kaya siya? Sinipat ko ang watch ko. 2:30pm. Halos dalawang oras din kaming kumain... ng tig-iisang bowl lang ng black bean noodles!? Srsly??!! Ganun na katagal??
"Uhm, guys bumalik na kaya tayo sa studio??" suggest ko. Pero I doubt sa gulo nila at sigawan ay narinig nila ako.
Laking gulat ko nang bigla silang natahimik at nafocus ang mga mata sa akin. That's a first!!
BINABASA MO ANG
EXO's secret series: D.O
RomanceIf unveiling your secret would ruin everything... If keeping that secret would take away your happiness... Which would you choose??