"Salamat~" pakanta kong sabi sabay abot ng helmet kay Kai.
"Wala yun, basta ba para kay Dyo, eh." kinidatan pa ako.
"Kilabutan ka nga! Sapatusin kita ngayon!!" sinabunutan ko na.
"Aray!! Di na nga. Baka ipa-salvage mo pa ako eh. Geh Memei, nyt-nyt!" pinaandar niya na ang raider niya habang kumakaway. Napapailing na lang ako.
Pumasok na ako sa TenM towers kung nasaan ang condo ko. I mean namin. Yup, namin. Personal assistant nga diba? Pero dontcha worry, di ko naman hinahalay si D.O tuwing gabi. May delikadesa naman ako noh! Hinihintay kong gapangin niya ako sa kwarto. Haha as if.
Pagpasok ko pa lang sa entrance, binati na agad ako ni kuya guard. Kilala niya ako, syempre sa ganda kong to, hirap makalimutan. Haha, I know masyado akong nagmamaganda ngayon.
Anyway, pagsakay ko sa elevator pinindot ko ang 32nd floor, habang papasara na yung pinto ay may kamay na humarang doon. Pagbukas ulit, muntik na akong mapatalon sa sobrang gulat, excitement, at kilig. Ommo!! Si Jin ng BTS!!
BTS ang isa pang grupong fan na fan ako!! At si Jin ang crush ko sa kanila!!!! Inuulit ko, crush lang, di love. Dahil ang love ko, nag-iisa pa rin, si D.O, magmula umpisa hanggang sa matapos ang kwentong ito, siya lang.
Nakatitig lang ako sa kanya, oo titig as in wala akong hiya tinititigan ko siya eh nasa tabi ko lang. Okay lang di rin naman siya nakatingin sa akin eh, diretso lang ang tingin niya at nakangisi. Kahit mukha siyang timang dahil nakangisi ng walang dahilan, handsomeness brad!! Binawi ko na ang tingin ko, baka di ko mapigilan at mapatili ako ng di oras. Humarap na ako sa pinto ng elevator, doon ko lang napansin na mirror pala yun.
Oh shet!! Nakatingin pala siya sa mismong mirror kaya nagtama ang mga mata namin. Eh kaya naman pala nakangiti ang kumag!! Kitang-kita niya ang kagagahang ginawa ko.
"Hi." untag niya. Lumingon ako sa kaliwa't kanan, malay ko ba kung merong pumasok sa elevator nung ni-eye rape ko siya. Hahaha
Hindi ko alam ang isasagot kay I just blurted out random things. "Na-nakikita mo ko??"
Nanlaki ang mga mata niya na puno ng amazement kapagkuwan ay tumawa siya.
"Pfft. Hahaha. Malamang. Anong akala mo sa sarili mo, multo?" amused na tanong niya.
"Hindi. Dyosa. Ginamit ko lang ang invisibility powers ko, pero mukhang hindi gumana. Lowbat ata." at para hindi mapahiya nagpamewang pa ako sa harapan niya with my head held high.
"Hahaha. Your weird and funny…" napapailing na wika niya.
Magtataray na ba ako? Para kasing insulto sa pandinig ko yung sinabi niya.
"But I like you." dugtong niya.
Napatanga ako. He likes me??? "I like you too." wala sa sariling sagot ko.
"Yan ba paraan mo ng pagtatapat?" nanunudyo niyang tanong. Nawala lahat ng inhibitions ko sa sinabi niya. Nakangisi pa sa akin.
"Di uy!! Ano yun parang love at first sight?? Patawa ka."
"Why not?? Di ka ba naniniwala sa love at first sight?" tanong niya. Sumandal siya sa wall ng elevator, parang magpho-photoshoot lang ang pose niya eh. Bago pa ako makasagot ay bumukas na ang pinto sa 32nd floor. Lumabas na ako at nilingon ulit siya.
"Try mong dumaan ulit sa harapan ko, baka sakali." biro ko. Tumalikod na ako nang hindi nagpapaalam. Pa-mysterious lang ang peg eh.
Pagpasok ko nang unit sumalampak agad ako sa sofa. Wala naman akong masyadong ginawa ngayong araw pero pakiramdam ko ang bigat-bigat ng katawan ko. Ay, hindi pala, puso ko lang ang mabigat. Naalala ko na naman kung anong araw ngayon. Di ba niya talaga maalala?? Hay… maybe I should get used to it.
BINABASA MO ANG
EXO's secret series: D.O
RomanceIf unveiling your secret would ruin everything... If keeping that secret would take away your happiness... Which would you choose??