Kabanata 1

58 0 0
                                    

Pagsubok

Dati wala akong pakealam kung may nanliligaw ba sa akin o wala. Kapag may nagpaparamdam sakin, "mawawala din yan!" ang lagi kong sinasabi sakanila o kaya naman deadma lang. Ayaw ko pa kasing magkaboyfriend noon. And so what kung Single ako? Masaya naman ako. Hindi ko kailangan ng lalake para maging masaya. Yan ang lagi kong iniisip noon. Noon! Pero iba na ngayon. Ngayon gusto ko ng magkaboyfriend pero wala pa akong magustuhan. Nagkaka crush naman ako. Madami nga sila eh pero wala namang nanliligaw sa akin. College na ako at graduating na ako (hopefully) pero wala pa akong experience. Desperada na ata ako.

Noong nakilala ko si Jan, pakiramdam ko siya na yung magiging kauna unahang magiging boyfriend ko. Alam mo yun, kilala ko siya pero hindi niya ako kilala. Aminado ako na patay na patay ako sa kanya. Sabi nga ng mga kaibigan ko "One sided LOVE" ang ang sitwasyon ko pero hindi ko alam kung LOVE na yun.

Umaaasa ako na ngayong last year of college ko ay makakahanap na ako ng magiging boyfriend. Kahit experience manlang diba. Masabi lang na nagkaboyfriend din naman ako. Lahat kasi ng kaibigan ko may boyfriend na. Yung isa 5 years na sila. Yung isa 6 months, 2 years at iba pa. Ako nalang yata yung Single for how many years and still counting.

"Hi. Kararating mo lang?" Finally andito na rin Jonette, or "onet" sa akin. Kanina pa kasi ako nag aantay ng kasama ko dito sa classroom. Although kilala ko naman yung ibang classmate ko pero hindi ko kasi sila kaclose.

"Hindi. Kanina pa ako dito. San ka ba galing?"

"Galing pa kasi ako ng probinsya. Haggard nga eh. Nakakapagod"

Pagkatapos magsalita ni Onet, nagulat ako nang may biglang pumasok sa Classroom. Dinilat ko ng mabuti yung mata ko. Hindi lang twice kundi thrice.

Fuck! Si Jan Magbanua! My long time crush! This is it. This is really is it. Classmate ko siya dito. OMG!

"Good morning Class" agad namang sumunod ang intructor na pumasok sa kanya.

"Good morning ma'am" sagot naming lahat.

"Ok, bring out 1/4 and you write your name, course and year and the date today"

Ginawa naman naming lahat ang sinasabi ni Ma'am.

"By the way, I am Ms. April Macasieb - Gumnad. After filling out the 1/4 you pass and you may go. I'll see you next meeting"

Ano ba yan. Hindi ko manlang masisilayan yung mukha ni Jan ng matagal. Ni hindi manlang kami nagpakilala sa isa't isa. Gusto ko siyang makilala pa. O kaya naman kahit seatmate manlang sana. Tsk. Kukunin ko agad yung number niya kung ganun. Joke!

"Waaaaaahhhhhhh. Kahit saglit lang kitang nakita kumpleto na yung araw ko. Haaayy. Jan Magbanua I LOVE YOU." Yan ang isinisigaw ng utak at puso ko ngayon.

Pagkatapos ng klase namin wala na akong ibang inisip kundi siya. Hinihintay ko na agad ang next meeting para makita ko na agad siya. Hindi na ako makapaghintay. Sana Wednesday na!

"Huy! Umayos ka nga! Kanina ka pa nakangiti jan" Suway sakin ni Onet.

"Ano ka ba! Huwag ka nang kumontra. Araw ko ngayon." Ngumiti ulit ako dahil sobrang saya ko talaga.

Hindi naman ako pinaghintay ng matagal ng panahon dahil eto na. Ero na ang wednesday at makikita ko na siya ulit! Yes!!!!!

Pagkapasok ng instructor namin. Sinabi niya na may seating arrangement na kami. Pinatayo niya muna kaming lahat at siya ang nag-ayos kung saan kami uupo.

"Ms. Manalo, dito ka." Sabi niya sakin at tinuro ang upuan na pinakagitna sa second row.

Pumunta naman ako agad. Wala pang nakaupo sa mahkabilang tabi ko kaya umasa talaga ako na si Jan ang itatabi sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SINGLE for now only PROMISE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon