GRIMM'S POV
*TOK* *TOK* sino ba yun? Ang aga aga pa e.
"Wait." 5:45? Ang aga naman ng bisita ko.
*TOK*
"WAIT!" naghilamos muna ako baka kasi yung future mother-in-law kuno ko na yun.
Tsk. Bakit ba kasi ayaw pa ni kuya sa babaeng yun? Ako pa tuloy ang magpapakasal sa kanya. I dont love her either. Walang affection o sentimental value ang babaeng yun para sa akin. Kate is the only one for me.
Nawala na yung katok, baka umalis na yung tao.
Binuksan ko na agad yung pinto pero wala naman akong makitang tao e.
*tingin sa kanan* *lingon sa kaliwa*
nahagip nung mata ko yung velvet box
. . . Si Kate
"Kate? are you still there?" si Kate, nasa kanya ito kagabi e. Im so guilty. Nasaktan ko ang
pinakamamahal kong babae. I'll kill myself instead rather than hurting her, but I just did last night! I'm a stupid man I know. Sana matapos na itong bangungot na ito sa buhay ko.
"Kate, kung alam mo lang. I badly need you!" sinara ko na yung pinto.
.
.
.
.
.
.
Four years later . . .
"Sige Karen, salamat sa tulong mo." tumango lang siya
Apat na taon na din ang nakalipas. Matagal-tagal na din nung huli kaming nagkita.
Nung umagang yun na nakita ko yung velvet box. Nagpunta agad ako sa bahay nina Karen at humingi ng despensa sa kanya at s mga magulang niya. Ipinaliwanag ko sa kanila na hindi ko kayang pakasalan si Karen dahil alam naman nilang may gusto na akong pakasalan simula't sapul. Naintindihan naman nila iyun kahit alam kong masakit sa side ni Karen. Kung hindi lang sinabi ni Dad na tutulong siya sa pamilya nina Karen. Hindi naman masamang tumulong sa kanila. Nagkaroon kasi ng masamang karamdaman si Tita Loree, yung mommy ni Karen. Naubos na lahat ng pera nila at pati naipundar na pag-aari, pati kompanya nila nalugi. Hindi na kasi napapagtuunan ng pansin ni Tito, focus sila sa pag-avoid na lumala yung sitwasyon ni Tita Loree.
Hindi ko nman akalaing hahantong na kailangang magpakasal ang isa samin ni kuya kay Karen para lang makatulong sa kanila. Pero pagkatapos kong umurong sa kasal nmin, ipinangako kong tutulong parin ko sa knila.
Pagkatapos nun nagtayo kami ng foundations at humingi ng donation s mga kilala naming negosyante. Hindi lang si Tita ang natutulungan ng foundation na naitayo nmin. Nakikinabang nadin ang ibang tao dahil dito. Parami ng parami ang sponsors nmin kaya talagang nagkaroon ng pag-asang makabangon sina Karen sa pagkalugmok.
Maayos na ang kalagayan ni tita ngayon. Natulong nadin sya sa pagmamanage nung foundation. Sa totoo lang malaki din ang naitulong nito sa aking sarili. Ngayon alam kong handa na akong ayusin lahat ng nga nagawa kong kasalanan.
Nung isang buwan, nag-umpisa na akong hanapin si Kate. Kung san siya pedeng punta noon. Pero wala parin akong lead hanggang sa tinawagan ako ni Karen kanina. Alam na daw niya kung nasan si Kate.
Naghanap din pala siya. Tinulungan niya ako.
Pagpunta ko sa knila nagpasalamat muna siya sakin at humingi ng tawad sa nagawa nilang abala sa buhay ko. Hindi nman big deal yun e, masaya pa nga ako kasi maganda yung kinalabasan ng pagtulong ko.
Masaya na ako kasi alam ko na kung nasan si Kate. At bukas na bukas din pupuntahan ko na siya. Malayo man ang kinalalagyan niya pero kakayanin ko yun. Kahit san pa ko dalhin ng tadhana mhanap ko lng ulit si Kate.
BINABASA MO ANG
A Thousand Miles [One-Shot]
Short StoryBasically, this is a love story. Inspired by my favorite song, A thousand miles!