A Thousand Miles: Part 4

12 0 0
                                    

Kinaumagahan

Tinawagan ko muna yung number na ibinigay sa akin nung gwardya dun sa village.

"5-7-7-8-9-0, pick the phone up Kate" nag-aalala lang ako baka kasi di sagutin ni Kate.

*Kringgg Kringgg Kringgg*

nag-riring lang yung sa kabilang linya pero mabuti kasi sinagot din.

"Hello?"

napalunok ako bigla "Hello? Is this Ms. Kate Reynosa?" shit kinakabahan ako.

"Yes speaking, who's this?" hayy hinga munang malalim

"Hi K-kate thi- this is is Griimm" nauutal kong sinabi sa kanya.

"Grimm? AS IN GRIMM RUIZZE?" nabigla ata siya kasi napalakas yung tono ng boses nya e

"Ah yes. Pede ba tayong magkita at mag-usap?"

"Ou naman,meet me at the Grand Park,center attraction ng Crilleney City,around 10 am." ayos magkakausap na din kami

"Sure. Thanks" nakangiti na ako ngayon ansaya.

"Sige. Anyway see yah later Grimm. I have to go."

"Oh si- *toot toot*" nag-end na yung tawag. Anong oras na ba?

8 na pala. Maghahanda na muna ako para sa pagkikita namin.

.

.

.

.

.

KATE'S POV

NAKAKALOKA LANG HA AT NAKAKAISTRESS RIN.

So,matagal akong nawala sa ere. So far, so good naman ang buhay ko dito sa America.Medyo masaya naman, pero iba parin nung nasa Pinas ako.

Nakamove on na ako sa mga nangyari *insert sarcasm*

Ha-ha sino bang niloko ko. Siyempre di pa rin ako nakamove on. Siguro nga kasal na sina Grimm at Karen ngayon, and for sure may anak na din sila. Nahiya naman daw ako kasi hindi man lang nila ako inimbita. tsk.

Speaking of Grimm, tumawag siya kanina. At gusto niyang makipagkita sa akin. Bakit kaya? Para gawing ninang sa binyag ng anak niya tss. Actually wala naman akong pinuntahan kanina e nung inend ko yung tawag ni Grimm, speechless lang talaga ako nun kaya tinapos ko na. Nakakagulat kaya after blank years nagparamdam siya sa akin at parang walang nangyari sa pagitan namin ha. tsk

Anyway masaya din naman ako na makikita ko siya ulit. Can't wait to see him again.

*ting* [message alert sound]

'Hi Kate, thanks sa lahat lahat. Lalo na dun sa kagabi. I love you as always, take care.' -Rick

syempre nireplyan ko siya ng bongga pero secret na lang yun.

answeet talaga ng  BOYFRIEND KO. Sinurpresa niya ako kagabi at WITH MATCHING WEDDING PROPOSAL PA!Ngayon masayang masaya ako dahil sa kanya. Si Rick! He's my best friend during my lonelinest chapter in life, he even suggested to be my boyfriend for my sake. For me to move on easily, and last night he gave me a Wedding Proposal but then I just smiled at him as my answer.

Siguro naman alam niyo na yung sinagot ko sa kanya.

Nyway Im ready na sa pagkikita namin ni Grimm mamaya.

Im on my way na nga e.

* At the Grand Park *

Hinanap ng mata ko si Grimm, at mabilis ko naman siyang nakita. Ayun nakaupo sa bench, ang gwapo niya parin kahit nakatalikod.

Palapit na ako sa kanya. . .

"Grimm. . ."

napatayo naman siya bigla.

"Kate" nakangiting bati niya sa akin. Yah I admit it he looks much better than the past years.

"Ano palang kailangan mo sa akin? Bakit gusto mo akong makausap?" diniretso ko na siya, ayoko ng patagalin pa ito naiinis lang ako. Tama kayo, bitter nga ako, bakit masisisi niyo ba ako? After all of those pain and such things. Hindi ganun kadaling kalimutan yun.

"Gusto ko lang mag-apologize at makipag-ayos sayo . . ." nakatingin siya sa mga mata ko, seryosong seryoso siya.

Naupo ako at hindi umimik. Iniintay ko kung may sasabihin pa ba sya. 

"Sorry kung hindi ko naipaliwanag sayo ng maayos at mas maaga yung sa kasal namin ni Karen" Grimm

"Alam kong nasaktan kita ng sobra nun at alam kong nahirapan ka ding makamove on nun pero gusto ko lang ayusin lahat kasi alam mo hindi rin ako matahimik nung mga panahong yun. Hindi ako makapagfocus ng maayos sa mga bagay at sa pamilya ko dahil nagiguilty ako sa mga nagawa ko sayo." dagdag pa niya

"Kaya sana patawarin mo ko. Mag-umpisa tayong dalwa ulit, kahit hindi bilang magkarelasyon o magkaibigan basta maayos lang yung gusot sa pagitan na ting dalwa" hindi ata naprocess sa utak ko yung huling sinabi ni Grimm.

"What? so you came here just to apologize to me? bakit? para hindi ka na katukin ng konsensya mo? Bakit kinahihiya mo ba ang sarili mo? Ha-ha so rude of you, nagawa mo pa akong guluhin ng dahil dyan? How dare you!" galit na galit ako sa kanya at hindi talaga to nawawala. KAHIT KELAN!

"No Kate its not what you thi--" hindi ko na siya pinatapos. Yan na naman yung favorite line nya e.

"It's not what I think? Ano ba Grimm gusto mong humingi ng sorry para lang matahimik yang konsensya mo at maging attentive kana sa pamilya mo. Ano bang konek ko sa inyo ni Karen ha? Pede ba tigilan nyo na ako. Okay na ako dito e. Pero pinuntahan mo pa talaga ako. Hindi mo talaga ako tatantanan no?" tumayo ako at tumalikod sa kanya

"Napaka-selfish mo naman, gusto mong kayo lang ng pamilya mo ang sumaya." dagdag ko, mahinahon na ako ngayon at malungkot na rin

"Kate, patapusin mo muna kasi ako." hinila nya ako paharap sa kanya.

"Kate! Hindi kami kinasal ni Karen at isa pa hindi ganun yung intensyon ko kaya ako pumunta dito sa Amerika. Hindi lang paghingi ng tawad ang pakay ko. Gusto kong MAGKABALIKAN tayo!" this time hawak hawak nya yung dalwang kamay ko habang nakatingin sa kin.

Huh? Hindi sila kinasal ni Karen? Bakit? Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Una pumunta siya dito para humingi ng tawad at maging maayos yung pamilya niya tapos ngayon sasabihin niyang hindi sila kinasal ni Karen. Ano to lokohan? Pinaglalaruan niya talaga yung damdamin ko.

"So ano to lokohan lang? Umalis ka nalang Grimm at bumalik sa pinanggalingan mo." inalis ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Kate maniwala ka sa akin please." bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"Kate *sobs* totoo yung mga sinasabi ko. Hinanap talaga kita para makipagbalikan sayo. *sobs* Tsaka kaya naman kami ikakasal nun ni Karen kasi kaylangan ng pamilya ni Karen ng tulong namin. *sobs* May malubhang sakit yung mama niya noon *sobs* pero okay na siya ngayon. Naayos ko na lahat lahat. Yung sa atin nalang ang hindi*sobs*." umiiyak si Grimm ngayon. Hindi ko na din napigilan ang luha ko ngayon.

"Why Grimm? Bakit ngayon mo lang sinabi lahat sa akin. *sobs* All these time bakit ngayon lang? .

.

.

.

.ngayon pang *sobs* huli na ang lahat."

pinunasan ko yung luha ko at humiwalay sa pagkakayakap ni Grimm sa akin. Binuksan ko yung bag ko at may kinuha ako inabot ko iyon kay Grimm na lubha naman niyang ikinabigla.

A small red velvet box

"Pero. .

Kelan pa?" Grimm

A Thousand Miles [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon