Chapter 1

0 0 0
                                    

Keith Payne

Unang araw ng pasukan. Masaya ako dahil sa araw na ito magsisimula ang bagong kabanata ng buhay ko. Bagong paaralan, bagong mga kaklase, bagong mga guro.

Siguradong walang makakakilala sa akin dito. At siguradong walang makaka-alam sa reputasyon ko sa dati kong paaralan.
Isa akong freshman dito sa Luxcov High School at inaasahang kong magiging mabuti ang lahat para sa akin.

Nagsimula ang araw ko ng masaya. Maligaya akong nagpakilala sa aking mga kaklase at guro at sa tingin ko naman ay walang nakakilala sa pangalan ko. Mayroong nag-iimbita sa akin na kumain ng tanghalian, at may mga nag-aalok rin sa akin sumama maglakwatsa pagtapos ng mga klase. Ngunit kahit na gusto kong mag bago hindi ko parin magawang linlangin ang aking sarili. Hindi ko magawang pilitin ang sarili ko na magustuhan ang mga taong nag-aalok sa akin ng pagkakaibigan.

Hindi ko alam, siguro nakasanayan kong makasama ang mga basag ulo’t pasaway sa dati kong paaralan.

Napailing ako. Hindi. Kailangan kong baguhin ito at makisalamuha. Ngunit pano? Di ko alam kung paano sila pakikisamahan. Ibang-iba sila sa akin. Iba ang hilig ko sa hilig nila, sense of humor ko kumpara sa kanila at higit sa lahat, ibang-iba ang ugali ko sa kanila. Baka mamaya, sila pa ang mapilitang iwan ako sa ere.

Natapos na ang klase ngunit napapa-isip parin ako. Kailangan kong makisalamuha. Kailangan ko baguhin ang reputasyong nakadikit sa pangalan ko. Kahit magsimula ako sa pinakamababa, ayos lang sa akin basta’t mabago ko lang ang lahat.

Palabas na ako ng campus ng nadaanan ko ang gymnasium ng paaralan at nahagilap ng mata ko ang unang susubok ng pangako ko sa aking sarili.

Napapalibutan ng tatlong lalake ang isang babae sa isang sulok.

‘Umalis ka na lang Keith. Pabayaan mo na lang sila. Magbabago ka na diba?’ Kinukumbinsi ko ang sarili ko. Ngunit sinong lalake ang hahayaan na lamang ang ganitong pangyayari? ‘Argggh!’

“Hoy!” Sigaw ko habang naglalakad papalapit sa kanila. “Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?”

“Ano bang pakialam mo?” Sagot ng lalakeng nasa gitna. Binitawan ng dalawang lalake sa gilid ang babae at pumuwesto sa tabi ng lalaking sumagot sa akin.

“Wala sana akong paki-alam. Kaso naisip ko, bakla ka ba’t kailangang may mga alalay ka pang kasama para lamang makuha ang number ng babaeng yan?”
Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. “Alam mo dugyot, kung ayaw mong magkaroon ng problema dito, wag ka na maki-alam.”

“Tsk…” Pinatunog ko ang aking mga kamao. “I think I’ll say pass.”

Pagkasabi ko’y tumaas ang sulok ng labi niya at isang tingin lamang sa dalawa niyang kasama’y mabilis naman itong sumugod papunta sa akin at magkabilaang pumwesto sa gilid ko.

“Humanda ka dugyot.” Ani ng isa sa kanila.
Natawa ako bigla. ‘Mga bata.’

Sabay silang sumugod. Ngunit naunang sumuntok ang lalaking nasa gawing kanan ko. Mabilis ko itong inilagan, kasabay nito ang paghablot ko sa kanyang braso. Pinilipit ko ito at gamit ang momentum ng kanyang katawan ay ibinagsak ko ito sa sahig.

Isang suntok ang tumama sa aking pisngi. Dahilan para mabilis akong lumungab paunahan at umilag sa pangalawang bitiw niya ng suntok. At pareho ng kasamahan niya’y hinablot ko ang braso nito, pinilipit ito at pinatumba.

Tumayo ako sa aking puwesto at ibinaling ang atensyon ko sa lider nila. “Siguro naman magbabago na ang isip mo.” Ani ko’t dahan-dahang lumapit sa kanila.

Ngumiti ito ng nakakapanginsulto at tinulak ang babae papunta sa akin. Nagkalat ang mga dala nitong papel sa sahig na mas lalo kong ikinainis. “Pasalamat ka’t hindi ko gustong magaksaya ng enerhiya ngayon. Ngunit tandaan mo, sa susunod na makikialam ka pa sa ginagawa ko, dudurugin kita, dugyot. Tara!”

The Secret of Miyako HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon