June 06, 2018
Matched
2:03 PM
Matched:
JES!
SORRY NGAYON LANG AKO NAGING AVAILABLE.
I'M SO BUSY I'M SORRY. DI TULOY KITA NACOMFORT.
WALA NAMAN KASING MASAMA KUNG MABAIT KA, MASAYANG TUMULONG PERO 'WAG DUN SA MGA TAONG TINETAKE FOR GRANTED.
Learn how to say no.
Wag ka masyadong mapadala sa kanila dahil lang mga kaibigan mo sila or kung ano pa man. Tinulungan mo sila na alam mong tutulungan din nila sarili nila.
Don't be sad, okay? I'm here. Open ka lang lagi sakin. Babasahin ko naman.
Lagi akong babalik para sayo.
3:19 PM
Jes:
Shoot. EJ, alam mo ang weird, napaginipan kita.
Thank you for the comfort, thank you talaga! Na-appreciate ko 'yon.
Gumawa pa kasi ako ng assignment kaya 'di tuloy ako nakapag open ng facebook.
Pero masaya na ako ngayon, pero ang awkward EJ! Yung kinuwento ko na nag-confess ako noong JS namin? Ka-member ko siya sa club namin at may orientation kami sa Friday, and I'm trying not to feel the awkwardness between us.
English! HAHAHAHA, 'di joke lang.
7:27 PM
Matched:
Napanaginipan mo ako? Paano 'yon?
Oh, baka naman si Elijah na fictional character? Ano nga ulit surname no'n?
May pasok ka na ba?
Nakakamiss din ang school ano? Sa 18 pa pasukan namin eh
Hayaan mo na yung crush mo nung js, sigurado akong pumangit na 'yon after n'yang sabihin na may gusto s'yang iba.
10:15 PM
Jes:
Hindi, pramis! Pero chat yun e! Nangyare yung panaginip ko, yung unang panaginip ko yung unang chat mo, tapos pangalawa 'tong conversation natin.
Oo nga e, bahala siya roon! Move on na'ko! Suuus!
Ang tagal na pala natin magka chat no? Nagsimula nung May 9! O di ba? Kabisado ko pa, hahahaha.
BINABASA MO ANG
Matched
Short StoryA website where you can message anyone, anonymously. | EPISTOLARY NOVEL |