3rd Person's POV
Mula sa di kalayuan, may isang malagim na senaryo ang nagagananap.
Isang ina na naliligo na sa sariling dugo, Dalawang estranghero na kapwa may ngiti sa labi.
At isang bata.
Isang batang nanginginig sa takot. Mata na nakatutok lamang sa ina.
Walang luha. Ni impit ng sigaw ay wala kang maririnig mula sa bata.
Nang subukang humakbang ng bata sa kanyang ina, isang malakas na putok ng baril ang pinakawalan ng estrangherong may hawak ng baril.
Kita sa mata ng bata ang matinding takot. Takot sa maaaring mangyari sa kanyang ina.
"Anak, u-umalis k-kana."
Nakangiti pero bakas na nahihirapang saad ng ina.Pero ang bata, nakatayo lang. Tila walang balak na iwan ang ina.
"HAHAHAHAHAHA MGA DEP*TA"
Malakas na sabi ng lalaking nakahawak ng baril.Tila nababaliw.
"Gustong gusto mo ba talagang mamatay bata?! Hahahahaha. Napakabobo! Gaya ka lamang ng iyong ama!" nanggigil na wika ng lalaking nakaupo sa tila mala-trono niyang upuan na gawa lamang sa niyog.
Nang dumapo ang tingin ng bata sa kanya, hindi na ito purong takot. Bagaman ramdam mo parin ang pangangatog ng tuhod nya.
Galit. Sakim. Yun ang ipinapahiwatig ng kanyang mata.
Nang akma sanang lalapit ang bata sa mga estranghero, isang putok ng baril ang muling dumapo sa binti ng kanyang ina.
"A-anak, Mant-tha, umali-is k-kana a-anak.I-iligtas mo a-ang s-sarili mo."
Hirap na hirap na saad ng kanyang ina habang iniinda ang matinding kirot."ANO?! GUSTO MO RING MAMATAY BUBWIT?! HAHHAAHAHA. Baka gusto mong makita kung paano namin patayin ang mama mo?"
Nakangising saad ng lalaki.Sa pagkakataong ito, umiling iling ang bata. Tila, nawawala sa katinuan.
Magkahalong kaba, takot, at galit.
"M-mama" isang luha ang tumakas sa kahel nyang mata.
Dahan dahan, gumapang ang nanay patungo sa kanya.
"ISANG MINUTO!"
malakas na sigaw ng lalaki.Isang minutong pag uusap.
Pagkatapos ng isang minuto, isang buhay ang tiyak na mawawala.Agad tumakbo ang bata sa kanyang ina na agad niyakap ito.
"A-anak, umalis k-kana d-dito.. A-alagaan mo a-ang p-papa mo" paluhang sabi ng ina.
"M-mama wag mo akong iiwan" sabi ng bata na mas lalong hinigpitan ang yakap sa ina.
Sumilay ang ngiti sa labi ng ina.
"M-mantha, hindi a-aalis ang m-mama, p-parati ko k-kayong bab-bantayan.. M-mahal na m-mahal ka ng m-ama M-mantha."Dahan dahang kinalas ng ina ang maliliit na bisig ng bata sa kanyang bewang.
"M-ama"
"Tandaan mo ito, wag na w-wag k-ang malulung..kot okay? W-wag na w-wag mo paba..bayaan a-ang sar-rili mo.." Hirap na hirap na sabi ng ina.
"M-ma—"
Agad naputol ang sinasabi ng bata ng muli ay nagpaputok ang lalaki. Hindi ito tumama sa kung saan, senyales na tapos na ang isang minuto.
Muli, tiningnan ng ina ang munting anak.
Na may ngiti sa labi.
Nang tumingin ang bata sa kanya, sinenyasan nya itong umalis na.
Tinutukan ng estranghero ang ulo ng bata ng baril.
"Bibilang ako ng tatlo, kapag hindi kapa nakaalis dito, mamamatay ka bubwit""ISA"
Dahan dahan, napapaatras ang bata. Habang naktingin sa kanyang ina.
"DALAWA"
"A-anak p-pakiusap, U-umalis ka..na"
"TAT—"
Bago paman matapos ng lalaki ang ikatlong bilang, ay agad syang kumaripas ng takbo.
Iika ika man ay nagawa ng bata na makalabas sa lugar na iyon.
>BOOM<
Nang marinig ng bata ang alingawngaw ng baril, awtomatiko syang napaupo sa sahig.
Yakap yakap ang mga mumunting binti, luha na tila ayaw tumigil kakalabas sa kanyang mga abong mata.
"M-magbabayad sila"
Ang dalawang katagang lumabas sa kanyang bibig bago sya mawalan ng malay.
~
YOU ARE READING
Role Play World [S L O W U P D A T E]
Teen FictionClementine, a normal girl with high dreams. Wala sa bokubolaryo nya ang pagkalulong sa social media gaya ng ibang kabataan ngayon. May kasabihan syang "Everyone on social media is fake, so be real" na sinumpaan nyang habang buhay nyang paniniwalaa...