Happiness is what we deserve 💞

100 6 5
                                    

KIERO

I feel very happy right now!

This is too much for me to handle silently. Gusto kong sumigaw ng sobrang lakas sa sobrang tuwa.

"Wait babe ah, punta lang akong terrace." Paalam ko kay Cris na kasalukuyang inaayos ang arrangements ng sofas base on what I want.

Saglit lang itong tumingin at tumango sakin.

Naka topless ito ngayon at ang Hot niyang tingnan habang tumatagaktak ang pawis dahil sa pagbubuhat ng mga gamit.

Sinong mag aakala na ang dating pinapangarap ko lang ay ngayo'y kapiling ko na.

Dahan dahan akong naglakad palabas ng terrace habang kinakagat ang dila.

Nang tuluyan na akong makalabas ay saglit kong tiningnan ang maaliwalas na langit. Dinamdam ang simoy ng hangin na dala ng alas kwatro ng hapon.

"Waaaaaaaaaaaaaaah! Whoooooooooooh! Ang sarap mabuhaaaaaaaaaaaaaaaaaaay!" Pakawala ko sa sayang nararamdaman ko.

"Waaaaaaaaaaaaaaah! I love you Lord! Thank you poooooooooo!" Sunod ay sigaw ko pa habang nakatingala sa langit.

Sobrang nagpapasalamat ako sa panginoon at di niya ako pinabayaan at binigay niya pa sakin ang taong pinakamamahal ko.

Ibang iba ang tuwa na nararamdaman ko ngayon. Sobra akong na eexcite na parang sasabog ang puso ko at mapupunit ang labi ko kapag pinigilan ko pang ngumiti.

"Anong sinisigaw mo jan?" Rinig kong tanong ni Cris mula sa likod ko habang humihithit ng sigarilyo.

Pilit ko mang pigilan ito sa pagyoyosi niya pero di rin naman ito tuluyang tumitigil kaya pinabayaan ko na. Basta ba wag lang bawat minuto sindi.

Lumapit pa ito sakin at niyakap ako mula sa likod.

"Wala bakit?" Sagot ko naman dito.

Bigla naman akong napatili dahil sa biglaang paghalik nito sa aking batok. Nakakakiliti kasi ang papatubo niya ng balbas.

"Anong wala, eh rinig na rinig kaya kita sa loob. Siguro tuwang tuwa ka no dahil masosolo mo na ko."

"Hoy ang kapal mo ah! Baka ikaw jan ang takot akong mawala kaya ibinahay mo na talaga ako." Ganting tukso ko naman dito.

Tama, magsasama na nga kami ni Cris. Ngayong pareho na kaming may trabaho, pumayag na rin sila mama at papa na magsama kami.

Regalo ito ng papa ni Cris sa amin ang condo kung saan kasalukuyan naming inaayos.

"Uy ako pa ngayon ah. Eh sino ba satin ang habol ng habol?" Ganti naman nito.

Noon ay medyo nakaramdam ako ng inis. Nakakabwisit kasi, bakit kailangan pang sabihin yun.

Alam ko namang mahal na mahal ko siya to the point na luluhod ako sa harap niya mahalin niya lang ako pabalik.

Pero dapat pa bang ipamukha sakin yun?

Marahas kong tinanggal ang pagkakayakap niya sakin.

"Oo na ako na! Di bale uuwi na ko. Magsama ka ng kung sinong babae dito. Wala akong pakialam. Akala mo ambilis mo kayang palitan."

Naiinis kasi ako. Nanliliit ako sa sarili ko ng marinig ko yun. Nakakawala ng respeto sa sarili.

Matapos kong sabihin yun ay pumasok na ako sa loob at dumiretso sa kwarto sabay hila ng maleta ko na hanggang ngayon ay di ko pa naayos. Mabuti nalang.

Nang papalabas na ako ng kwarto ay bigla ako nitong hinarangan.

"Ano ba naman yan. Wala pa tayong isang araw dito mag-aaway na agad tayo. Easy ka nga biro lang naman yun e." Sabay sabi nito na nagkakamot pa ng batok.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I MISS YOUR EMBRACE (YaMt bookII)   DISCONTINUEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon